Chapter 17

342 18 3
                                    


Five days later...

"Kompleto na ba ang lahat ng pagkain?" Tanong ko kay Kaiden habang busy na inaayos ang maleta namin.

"Yes, I will just pack them."

"Good. Matatapos na rin ako dito."

Mabilis ko lang naayos ang mga gamit namin dahil dinoble check ko lang iyon, naayos ko na kasi kagabi.

Pagkatapos maayos ay tumingin muna ako sa salamin para makita kung okay na ba ang ayos ko bago kami umalis.

I'm wearing a white long straps dress na backless sa likod, tinernuhan ko din ito ng puting thin strap slides sandals. Kinulot ko rin ang buhok ko, hindi tulad noong pumunta kami ni Kaiden ng museum na dulo lang ang kinulot ko, ngayon ay lahat na.

"Ari, let's go?"

Lumingon ako kay Kaiden na nakatayo na malapit sa pinto at hawak niya na ang dalawang maleta. 'Yung mga snacks at prutas na prinepare niya ay nakapatong doon.

Nakasuot lang siya ng itim na T-shirt at slacks. Mamaya na raw siya magbibihis pag nandoon na.

"Tara?"

Humawak siya sa kaniyang baba at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Maganda."

"Hindi ka galit kahit backless 'yung suot ko?" Madalas kasi sa mga lalaki ay nagagalit sa tuwing showey ang sinusuot ng girlfriend nila.

"I don't like it. Kung ako ang masusunod ang gusto ko ay magsuot ka ng mahabang damit kung saan matatakpan ang buong katawan mo, pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo 'yon. I want you to wear whatever you feel confident and comfortable with. I will support you."

Ngumiti ako. "Thank you."

Lumapit ako sa kaniya at tinulungan na siya sa maleta at lumabas na kami ng condo.

"Tumawag na si Theodore na nasa baba na raw sila at naghihintay."

"Gano'n ba? Bilisan na natin."

"Let them wait."

"Bad."

He just chuckles in response.

Ngayon kami pupunta ng beach tulad ng ipinangako ni Kaiden, dapat the day after my last exam ay gagayak na kami ang kaso may mga need pa akong asikasuhin sa school.

Nalaman ni Theo iyon kaya ayon nagpumilit siyang sumama, sinabi na lang din ni Kaiden na isama ko ang mga kaibigan ko para masaya at para makilala rin niya.

Paglabas namin ng building ay may nakaparadang van sa tapat.

Lumabas si Theo at sila Alea mula sa sasakyan.

Nakangisi si Theo ng makita kami. Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasuot ang lalaki ng white short sleeve polo at sa pang ibaba naman ay drawstring waist short na kulay light brown. May suot din siyang shade na kulay itim. Napansin ko rin na kulay itim na ang dating kulay asul na buhok niya na bahagyang magulo.

Ang katabi naman niya ay si Alea na nakasuot naman ng isang ditsy floral tie front shirred dress na kulay light brown, at open toe strappy block heels na kulay light brown lang din. Nakapusod pataas ang dark blonde niyang buhok.

At si Ash na kumakaway sa amin. He was wearing a button-up lapel neck shirt na kulay pink at black swim trunk. Nakataas naman ang shade niya.

Bakit ang popogi at ganda ng mga kaibigan na meron ako, mana sa akin.

"Hey, guys." Kumaway ako pabalik.

Lumapit si Theo kay Kaiden para tulungan itong ayusin ang mga gamit namin.

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now