Chapter 23

384 14 12
                                    


"Ano't nakangiti ka diyan, girl?"

"Huh?" Tumikwas ang kilay niya sa sagot ko.

"Sabi ko anong dahilan at nakangiti ka? Magaling ka na ba? Di pa nga nag start session mo."

Sumilip ako sa gawi nila Ash, nagdadaldalan sila ni Theo, grabe itong dalawa dahil sobrang close nila. Mas close pa nga 'ata si Theo at Ash kaysa kay Kaiden.

"I will tell you outside." Bulong ko.

"Sus, gusto mo lang niyan magpahangin. Bawal bilin ni Kuya Kaiden."

"Aren't you curious?" Pang-uudyok ko.

"Kahit ano pang idahilan mo hindi pa rin pwede. Takot ako sa 'yo pero mas takot ako sa boyfriend mo."

"Sayang naman na-order ko na pamandin 'yung Bj Alex complete set of books, siguro ikakansel ko nalang 'yon."

"Kailan ba dadating 'yan?"

"Next week na." Narinig kong na pa yes! Siya.

"Kahit kailan ka talaga, sige tara na pero sandali lang." Napasuntok pa ako sa hangin dahil pumayag siya.

"Hoy! Theo, dalhin mo nga dito 'yung wheelchair."

Napangiwi ako nang agad naman na tumalima ang lalaki.

"Okay, ka na ba? Hindi ka mahihirapan?"

"Of course, this is nothing." Pagmamayabang ko.

"Mayayari ako nito kay Kuya Kaiden, eh." Bubulong-bulong niyang dinig naman, kahit kailan talaga siya.

'Tyaka Kuya, Is she for real? Kinareer niya na talagang tawagin na Kuya si Kaiden.

Ilang minuto rin ng makarating kami sa baba, sa may bench kami huminto.

Sila Ash at Theo ay nagpa-iwan na lang sa kwarto dahil ang layo daw ng floor namin sa baba kaya tinatamad sila.

"Ano ba kasi ang naiisip ng boss mo na 'yan at sa pinaka top floor pa talaga, ang dami naman ng kwarto diyan sa mas mababa."

Natawa nalang ako dahil sa mga reklamo niya, sa totoo lang ako ang nag request na sa top floor ang room ko. At isa pa gustong makasigurado ni Kaiden na magiging komportable ako.

"So, ano nga ang sasabihin mo, at ngayon lang 'ata kita nakita ng ganyan kasaya."

"Wala lang naman. Naisip ko lang na ang sarap palang mabuhay."

"Masarap at masaya naman talaga, lalo na kung mentally stable, may pera, at may green flag pa na boyfriend."

"I agree."

"Kaya ngalang 'yung dalawa lang ang meron ka, hindi ka kasi mentally stable, eh." Abay putangina!

"Pero ano, malapit ka naman ng maging mentally stable." Tumawa siya na akala mo ay mayroong nakakatawa.

"Yeah, my ass."

"So, how's life naman with Kuya Kaiden?"

"Good. Nakaka motivate mabuhay pag siya ang boyfriend mo."

"Sana hindi na lang ako nagtanong." She rolled her eyes.

"Why, aren't your boyfriend treating you right?"

"Hindi naman sa gano'n, pero ano- ayss basta!"

She's hiding something.

"But, thanks, girl."

"For what?"

"Dahil sinabi mo sa 'kin ito. Appreciated." Ngumiti siya pero bakit ang creepy ng dating sa akin?

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now