Chapter 19

353 15 10
                                    

Bumungad sa akin ang kwarto niyang sobrang linis.

The light was dim and all the things here were black, from the bed, pillowcase, blanket, table, closet, and even the wall.

"You love black?" I asked.

"Yes, and so do you." He even knows my favorite color.

"So, what are we gonna do here?"

Nilingon ko siya upang mahuli lamang ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Matutulog ka na muna."

"What?"

Hinila ko siya papunta sa kama at pinilit na pahigain.

"Kailangan mong matulog, tignan mo 'yang mga mata mo bagsak na bagsak na.

"Pero gusto pa kitang kasama." He pouts then puppy eyes.

Akala niya naman madadaan niya ako sa ganito, muntik lang.

"Hindi ako aalis kung 'yun ang gusto mo."

"Okay, that's a promise!" Dumukwang siya ng halik sa labi ko at humiga na sa kama pero umunan siya sa hita ko.

Bago siya tuluyang pumikit ay may pahabol pa siya.

"If you get bored, you can look around." Tumango lang ako.

Nang pumikit na ang mga mata niya ay maingat kong sinuklay ang malambot niyang buhok.

Mabilis lang niyang nakuha ang tulog na marahil ay inaantok na talaga siya at nilalabanan lang.

Marahan ko siyang inayos ng higa at binigyan ng unan, kinumutan ko rin siya dahil nakabukas ang aircon.

Tumayo ako at nag-ikot sa kwarto niya.

Sa lamesang malapit sa kama ang una kong nalapitan. May dalawang picture frame na nakapatong dito.

'Yung isa ay family picture nila, it was his graduation from college. Wala namang pinagbago ang mukha niya dito sa ngayon, mas pinabata lang. His parents look so happy and proud of him.

'Yung isa namang nasa frame ay 'yung unang picture namin, sa labas ito ng museum. 

Naglakad ako papuntang closet niya at binuksan ito, puno lang naman ng mga dark na kulay ng long sleeve at sa kabila ay puro black na slacks. Sa may last na closet ay puno ng formal suit. At 'yung mga drawer naman ay mga T-shirt na naka arrange rin into colors. Tanging puti at itim lang ang mga ito.

May sarili rin na banyo dito sa kwarto kaya sinilip ko na.

The color of the wall here is black while the tiles are gray. Malaki ang banyo, merong shower, bathtub, and of course the toilet. Amoy mo rin ang mga ginagamit niyang panligo.

Wala naman ng ibang makikita dito sa loob kaya lumabas ako.

Sa tabi nitong kwarto ang sinubukan kong pihitin ang seradura, mabuti at bumukas.

Ang sabi niya naman ay pwede akong maglibot dito kaya ito ang ginagawa ko.

Sa loob ay isang opisina ang nabungaran ko.

Roses And Melody (Under Revision)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin