Tour (1)

1K 34 3
                                    

THIRD PERSON

"Do you consider the job?" A lady who was sitting in her throne designed chair asked.

The woman in black suit just bow her head and pick up a knife then slash her palm. Rushing down her arms was red blood from the wound.

"Good choice, as we have the same enemy let's start to meddle around and bring her the war she wanted." The woman smirks as she drink her red wine.

-

"Wala na bang itatagal 'yang trabaho mo?" Summer ask Wilton, her assistant.

"What the fuck Sam, kabibigay mo lang sa akin ng files and you expect me to pass that to you this early?" Gigil ang pag pindot ng binata sa kaniyang laptop dahil sa inis paano ba naman ay hinila siya agad ng dalaga habang natutulog pa ang kaniyang utak at katawan.

"You gave me a job last night, remember?" Pag papatuloy nito habang abala sa pag tipa, "Last night we attended an auction..." Huminga siya ng malalim bago nag patuloy, "And all you did was to spot some annoying jerks,while me and the team is busy doing your works."

Binuksan ng binata ang drawer sa ilalim ng lamesa at kumuha ng isang usb drive bago ipinlug sa laptop.

"I'm sorry, okay?" Summer apologize but on the tone of insincere.

"Buong tatlong araw akong walang tulog habang ikaw nasa Salon pa!" Wika pa ng binata, walang tigil sa pag tipa ang mga daliri nito halatang palitado na sa ganoong gawain.

Summer just rolled her eyes, "You don't understand woman, Wilton." She said.

"I do understand women, Summer..."

Kinuha nito ang usb matapos i-download and kailangan na files at iniabot sa dahilan nang kaniyang putol na tulog.

"It's just you that I don't understand."

Pareho silang napalingon sa pinto nang makita ang asawa ng kanilang boss na parang nawawalang bata. Makikita sa mga mata nito ang pag hanga sa mga gamit na nasa loob ng silid.

"Boss?" Pag tawag ni Wilton sa pansin nito. Hindi naman siya nabigo dahil agad itong lumingon.

"Uyy pre, saan ba daan palabas dito?" Pag tatanong nito. Tumikhim naman si Summer na ikinalingon ng binata.

Tumakbo ito sa tabi niya na kinagulat ng dalaga. "Summer!!" Masayang sigaw nito na akala mo ay batang naligaw at nakita ang ina.

Narinig ni Summer ang mahinang hagikhik ng assistant dahilan para sipain nita ito sa binti na ikinasigaw ni Wilton.

"Ano ba Smith para kang tanga..." Sambit ng dalaga sabay tulak sa braso nito tanda na pinapalayo niya ito sakanya, "Layo, bakit ka ba kasi nandito?!" Naiiritang dagdag nito.

Kumamot naman sa kaniyang ulo si Bullet na tila may ginawang kalokohan.

Sa isip ni Summer ay hindi niya mawari kung paano sasabihin sa amo na ang asawa nito ay napunta sa kanilang underground basement.

"Kasi may isusuli lang ako kaso wala naman si Misis kaya ikaw ang hinanap ko nag tanong ako kay Rain at Jost at tinuro nila ako doon sa closet." Pagpapaliwanag nito.

"Tapos pag bukas ko akala ko naman joke lang yung sabi nila pero nagulat ako may biglang green na ilaw na pumunta sa mata ko tapos nag bukas yung pinto hindi ko naman alam kung saan pupunta pero may utak ata yung elevator kasi dito niya ako dinala nung sabihin ko ang pangalan mo." Mahabang lintanya nito na sinabayan pa ng mga galaw na tila ina-aksyon nito ang pangyayari.

"Boss baka nasa opisina niya si Alec siya kasi ang naka toka sa mga elevators dito hehe." Pag singit ni Wilton.

Namamangha naman na tumingin si Bullet sa kaniya, "Nandito siya? Si Rain nandito din?" Pagtatanong pa nito.

Naaaliw na tumango naman si Wilton. "Gusto mo punta tayo sa opisina nila?" Tanong nito dahilan para makatanggap siya ng batok kay Summer.

"Sandali lang Boss tatawagan ko si Queen baka malagot tayo e." Turan ni Wilton matapos makabawi sa sakit mula sa batok ng superior niya.

Agad itong nag dial sa kaniyang telepono.

"Hi, Queen." Pagbati nito.

"Pwede ko ba sama si boss?" Pagtatanong pa nito na agad naman napalitan ng pagtataka ang mukha ng binata nang marinig ang sinabi ng kausap sa kabilang linya bago nito ibaba ang telepono.

Kitang-kita sa mukha ni Wilton ang pagtataka na napalitan agad ng ngiti matapos ang ilang segundo. Tumango-tango ang binata sa sinabi ng nasa kabilang linya.

At sumaludo sa ere kahit nasa telepono naman ang kausap.

Hindi na inalam ni Summer kung ano ang pinaguusapan ng Queen at ni Wilton dahil alam niya na ang sagot ng kaniyang pinsan dito.

Umalis siya sa silid at iniwan ang asawa ng pinsan at ang kaniyang assistant, oras na ng kanilang trabaho kaya kailangan na nilang mag simula ora mismo dahil may isang bagay na hindi pa sinasabi ang Queen na sa tingin niya umaabala sa isip nito nang mga nakaraang araw.

Marrying the Mafia QueenWhere stories live. Discover now