Home sweetie home

1.1K 35 1
                                    


Woah ang laki ng bahay, kay Miss. Tan lang ba 'to? Nung binaba kasi ako ng mga pinsan nya sa gate hindi ko na alam kung anong sunod kong gagawin.

Sobrang lawak dito, sumakay pa kami ng cart para makarating sa main house tapos iniwan nila ako agad dahil may gagawin pa daw sila.

"Good evening Sir." Bati ng isang babaeng nasa mid-fifties na ata ang edad.

"Good evening din po." Napakamot na lang ako sa batok ko. Nakakahiya. Parang hindi naman ako bagay dito sa lugar na ganito.

Ngumiti yung katulong sakin, "Nag bilin na si young lady sa akin bago kayo dumating, halika at ihahatid kita sa silid nyo." Hinawakan pa nya ako sa braso wala naman na akong nagawa dahil baka maligaw pa ako dito.

Umakyat kami sa ikalawang palapag tapos nilabas ni manang yung isang bugkos ng mga susi. Bawat susi may mga naka printed na pangalan, siguro para hindi nakakalito kung saan itong susi.

Pag bukas nya ng kwarto laking mangha ko, bukod sa ang aliwalas ay napaka ganda ng disenyo.

"Dito ang silid nyo pwede ka ng maligo o mag pahinga naihanda na namin ang mga gagamitin mo d'yan."

Tumango ako sakanya, "Salamat po."

Pag alis ng katulong ni Ms. Tan isinira ko na ang pinto at umikot-ikot sa buong silid.

Mula sa malaking kama, sa cabinet na parang kwarto pati ang C.R kumpleto sa mga gamit may bathtub pa.

So sobrang excite ko sa mga nakikita napag desisyunan kong subukan ang tub sa C.R, ngayon lang kasi ako makaka subok ng ganito. Pag tapak ko pa lang sa loob ng bath tub na pinuno ko ng bula ay parang lumulutang na ang kaluluwa ko sa sarap.

Grabe talaga ang mayayaman. Bukas ita-try ko naman yung nakita kong swimming pool sa labas mag papasama ako kay manang. Mukha naman siyang mabait.

Iniabot ko ang shampoo pero bago ko ilagay sa aking ulo inamoy ko muna syempre para lasap na lasap talaga kung pwede ko nga tikman pati yung sabon nagawa ko na.

Enjoy na enjoy ako sa paliligo ng makarinig ako ng kalabog ng kung ano sa labas parang may pumasok ata sa kwarto.

Ni-lock ko yun ha?

Tuloy-tuloy pa din ang ingay sa labas parang may nag kakalkal.

"Hala, may nakapasok pa atang magnanakaw." Bulong ko sa hangin.

Baka masisi pa ako dito. Nag mamadali kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa sampayan.

Pati sampayan gold. Pero mamaya ko na aalalahanin yan baka may magnanakaw nga sa labas. Luminga-linga ako para humanap ng pwedeng ipamalo may nakita akong pambomba ng toilet yun na lang, pwede na yan.

Bitbit ang nakita kong pamalo dahan-dahan akong nag lakad palabas ng pinto, napansin kong bukas yung malaking cabinet na parang kwarto kaya nag lakad ako palapit doon.

May nakita akong tao na nakatalikod. Nag hahalungkat sya ng kung ano.

Patay. Lagot ako kay misis pag balik kakauwi ko nga lang sa bahay nya tapos may nag nanakaw na.

Umamba ako na ipapalo na sa taong yun ang hawak kong pambomba ng inidoro, "Sino ka?" I shouted.

Lumingon ito sa akin.

Shit! Si misis pala.

Nakataas ang kilay nya at hinihintay siguro akong mag paliwanag kung bakit ko sya papaluin ng hawak ko.

Napakamot ako sa ulo sabay baba sa hawak ko, "Pasensya na akala ko kasi magnanakaw." Pagkasabi ko non inilingo nya ang ulo nya patagilid. Parang aliw na aliw sya na makita akong praning.

"Do you think there's someone who will try to intrude in this place?" Tanong nya dahilan para mapa isip ako.

Oo nga no. Ang laki pala ng bakod ng bahay paano may makakapasok dito.

"Don't panic but don't let your guard down." She then again said.

She smirked, "Wag masyadong tensyunado, Mr. Smith." At tumalikod sya para ituloy ang pag kuha ng kung ano sa isang lagayan.

Pag harap nya sa akin ay may binato sya na tumama sa mukha ko.

"Mag damit ka baka sipunin ka."

Agad na uminit ang aking pisngi sa hiya. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nag bibihis ng maayos at tuwalya lang ang nakatali sa aking beywang.

Nag tatakbo akong bumalik sa loob ng banyo.
-

KATANA

That man is definitely not bad. Hindi ako nagkamali na piliin sya para sa trabahong 'to.

Nagsimula ko syang paimbestigahan noong muntik ko na itong mabangga. Right there and then I knew he will be a big help for me.

-

BULLET

Pag labas ko ng banyo nakita ko si Ms. Tan na nakahiga sa kama.

Sandali, magkasama kami sa iisang kwarto?

Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang palapit sa hinihigaan nya. Siguro sa lapag na lang ako matutulog may nakita naman akong mga extrang kumot at unan sa cabinet kanina.

Akala ko pa naman makakahiga na ako sa malambot na kama pero ayos na din yun dahil malaking tulong na ang naibigay nya sa akin pati sa nanay ko. Kanina habang nasa byahe pauwi tumawag sakin ang doktor at sinabing pwede na nila simulan ang operasyon nya bukas.

Nakakaluwag ng puso na marinig ang bagay na yun, kaya kahit anong sabihin at ipagawa sa kin ni Ms. Tan gagawin ko hanggang sa makakaya ko.

Blessing in disguise na din siguro ang pag tatagpo at pag alok nya sa akin ng offer na maging asawa nya.

Tinitigan ko ang nakapikit nyang mata, ang ganda nya hindi na din ako lugi. Mula sa mapungay nyang mata at matangos na ilong pati sa maliliit na labi. Ang sarap hawakan ng pilik-mata nya ang haba din. Hindi nya na nga kailangan ng kahit anong make-up para gumanda.

Mula sa ulo hanggang paa napaka simple nya siguro kung hindi ko sya nakita na nakasakay sa motor na mamahalin at naka upo sa opisina nya mapagkakamalan ko din syang normal na mamamayan.

Ito na siguro ang nakatakda sa'kin at isa din to sa bagay na hindi ko pag sisihan na sinang ayunan.

"Humiga ka na..." Nagulat ako ng bigla syang nag salita. Tinapik pa nya ang tabi nya.

Ano? Gusto nyang tumabi ako sakanya?

Nang hindi nya siguro naramdaman ang pag sunod ko ay idinilat nya ang mata. Mabilis akong lumapit at umupo sa kabilang bahagi ng kama.

Tumalikod sya sa akin, "Goodnight, husband." She murmured.

Napangiti ako sa narinig. Napaka habang araw para sa aming dalawa.

Marrying the Mafia QueenWhere stories live. Discover now