Meeting with Mother-in-law

843 24 1
                                    


Manang's POV

Ay jusko po! Ang gulo gulo dito sa bahay.

"Manang? Akala ko po umuwi na si Misis." Pabulong sa sabi sa akin ni Thunder. Aba ay! Hindi ko din alam saan nag punta ang asawa mong bata ka.

Bakit sa akin hinahanap?

Hindi ko na lang siya pinansin at nag patuloy sa pag halo ng niluluto kong nilaga.

Mainit kasi ang ulo ni Kat kanina pag uwi hinahanap ang asawa niya, sinabi ko naman na sinundo ang nanay sa ospital aba nag tatakbo na palabas ang batang 'yun.

"Manang..."

Huminga ako ng malalim bago ngumiti kay Thunder, "Mag usap kayo mamaya mukhang mainit ang ulo ng misis mo, anak."

Halata sa mukha niya ang pag tataka miski ako nag tataka din sa asta ni Katana ngayong araw. Hindi naman ganoon umitrada ang ugali ni Katana. Naisip ko nga kanina na baka nag away sila pero sa tingin ko naman ay hindi base na din sa itsura ngayon ng asawa niya.

Susmaryosep!

-

Thunder's POV

Anong problema? Nagagalit ba si Kat dahil hindi ako nakapag paalam?

"Nak..." Pabulong na tawag ni nanay sa akin na naka upo sa sofa. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi.

"Komportable ba 'nay?" Tanong ko na hindi naman niya pinansin dahil abala siya sa pag libot ng kaniyang mata sa buong bahay.

"Tapatin mo nga ako, nak..." Tumingin siya sa akin na may pag dududa, "Kaninong bahay 'to? Namamasukan ka ba dito?"

Katahimikan.

Wala akong maisagot sa kaniya. Paano ko ba sasabihin na sa asawa ko 'tong bahay?

Bigla akong nagulat ng hampasin niya ako sa hita at panlakihan ng mga mata,
"Ayusin mong bata ka baka kumakapit ka sa patalim noong wala ako ha!" Nag babantang sabi niya.

'Nay naman. Hindi naman siguro patalim si Kat. Ganda-gandang babae ni misis 'e.

Buti na lang hindi na masyadong nag tanong si nanay nung niyaya na kaming kumain ni manang.

Salamat manang ikaw talaga ang aking superhero!

Tahimik kaming kumakain ni nanay pero sabay kaming nagulat ng biglang hilahin ako ng kung sino kaya napatayo ako ng wala sa oras, hinawakan niya ang balikat ko at inikot-ikot niya ang kaniyang mata na parang may hinahanap sa katawan ko bago tumingin sa akin na may pag-aalala, "Sweetie, are you alright?"

"Kanina pa kita tinatawagan pati si manong pero hindi kayo sumasagot." Natataranta niyang sabi.

Nakalimutan ko kasing tawagan siya ulit nang makauwi na kami ni nanay dahil na din sa daming tanong ng huli. Pero hindi naman ako aware na ganito pala mag-alala si misis.

Ako naman ang humawak sa balikat niya, "Relax..."

"Hinga ng malalim..." Pag papakalma ko dito. Naramdaman ko pa ang pangangatog ng kaniyang kamay.

Ang tapang na babae ni misis pero anong nangyari at nanginginig siya ng ganito.

Huminga siya ng malalim sabay pikit sa kaniyang mata pag dilat niya kay nanay na nakatunganga sa kaniya napadpad ang kaniyang tingin. Sandali lang nang kumunot na ang noo ni misis at tumingin ulit sa akin na tila nag tatanong.

Tumikhim ako bago ilahad ang kamay ko sa harap ni nanay, "Si nanay ko pala, Misis." Pagpapakilala ko dito.

Hindi na ako tumingin kay nanay kasi dama ko na 'yung titig niya na may kasamang pag babanta sa likod ko.

Lumapit si Misis kay nanay at umupo sa inuupuan ko kanina, "Hi po." bati niya na nginitian ni nanay kahit naguguluhan pa din siya.

"Okay na po ba ang pakiramdam niyo?"

"Okay na ako, Salamat." Kiming sagot nito.

"Kain lang po kayo. Mamaya na lang po tayo mag-usap." Ani Misis sabay tayo at alis sa upuan.

Ikinaway niya naman ang kaniyang kamay na parang tinatawag ako at pinapabalik sa kinauupuan ko kanina na inagaw niya kani-kanina lang.

Bago pa siya tuluyang umalis ay umakyat sa taas bumulong pa siya sa akin, "Check your phone later."

"Mauna na po ako." Pagpapaalam niya kay nanay.

Syempre masama na naman ang tingin sa akin ni nanay tuloy bawat lunok ko parang may tinik.

SORRINSABLE

Marrying the Mafia QueenWhere stories live. Discover now