Special Chapter

993 23 1
                                    

Alecbantot
Walang tao sa labas ng bahay aakyatin ko na.

Ganda 💅
Do what you want. Ayusin mo lang Alec pag nasira ang cover natin at wala tayong naibigay na report kay Kat hahambalusin kita.

Alecbantot
No problem. Ako pa ba? 😎
✓ Seen

Tangina neto ni Summer pakialamera ng cellphone tapos seener pa ampota akala mo kinaganda niya 'yan. Pinalitan pa niya nickname niya sa phone ko grabe self-proclaimed.

Pag natapos talaga 'tong mission sasama ako sa Paris para kahit paano maka hinga naman ako mula kay Summer.

Kinalabit ko si ulan na tinatanggal ang alikabok sa suot niyang salamin, "Arat na pareng ulan pumayag na si Boss Madam."

Hindi naman siya sumagot pero pag labas ko lumabas din siya sa kotse dumiretso na ako sa bakod ng hindi siya nililingon alam ko naman na susunod 'yan sa akin lodicakes ako niyan 'e.

"Kaya mong akyatin 'yan?" Oh? Tingnan niyo nasa tabi ko na siya agad.

Ngumisi ako sa kaniya bago nag pogi sign, "Kaya nga tayo nag dala ng gamit ano pa silbi ng pinabitbit ko sayo?" Shet! ang angas ko banda 'dun.

"Sunod ka mauuna ako." Syempre dahil ako ang bida dito alam niya na dapat siya muna mauna bilang sakripisyo.

Pag-akyat niya wala naman naging problema kumbaga smooth like me, sumunod na agad ako pero wala pa ako sa gitna ng pader biglang nag salita ang asungot naming kasama. Kaya ayoko kasama 'to sa mga mission mas ayos pa kuya niya kasama.

"Report your situation." Demanding talaga ng babaeng 'to daig pa boss namin hindi naman siya nag papasahod.

"Sandali naman pag ako nalaglag dito." Pagrereklamo ko habang patuloy sa pag hila sa tali para maka akyat ako.

Nice! Wala pang limang minuto nakababa na ako agad sa kabilang bahagi ng pader.

"Guys?" Pag tawag ko sa mga kasama ko. Paano wala si Rain nang bumaba ako akala ko hintayan kami hindi ko pa naman kabisado ang floor plan ng bahay na 'to.

Napalingon ako sa damuhan sa gilid ko dahil may kumakaluskos. Ang yaman-yaman tingnan sa labas ng bahay ang dugyot naman sa loob hindi ba sila nag tatabas ng damo, paano na lang pag natuklaw ako ng ahas dito?

Palakas ng palakas ang tunog na nang gagaling sa damo kaya medyo tinablan na din ako ng kaba.

"Guys? Shit..." Bakit walang sumasagot sa transmitter? Nasaan na ba ang maingay na si Sam pati kuya niya biglang nawala.

"Grrrr..." Muntik na akong mapasigaw nang lumabas ang isang aso parang may rabies pa ata grabe maka angil.

Tumingin ako sa kanan at kaliwa nag hahanap ng daan para makatakas, mahirap na baka makagat ako dito.

Atras abante kaming dalawa ng aso bago ko mapansin ang isang daan na sa tingin ko dinaanan ni Rain dahil sa nag tumbahan ang mga damo.

Bumwelo ako para tumakbo ganoon din ang ginawa ng  aso kaso siya bumwelo para sakmalin ako syempre hindi ko na siya binigyan ng chance tumakbo na ako.

Bahala na kung saan ako makapunta basta makatakas lang ako dito.

Kahit tumatakbo na ako patuloy pa din ako sa pag tawag sa mga kasama ko.

"Bwesit ang sabi surveillance lang bakit naging track and field?"

Lumingon ako sa likod ko nang mapansin kong wala ng tumatahol. Grabe dito ata ako mamatay hindi sa tama ng bala.

"Kuya? Alec?" Putol-putol man narinig ko na din sa wakas ang boses ni Sam sa kabilang banda ng transmitter.

Huminga muna ako ng malalim at nag tago sa isang lumang lamesa bago pindutin ang device para mag connect sa akin sa kabilang linya.

Dapat hindi niya mahalata na tumakbo ako, dapat laging swabe mahirap na.

"Sam! Puta bigay mo nga location ng kapatid mo baka naligaw na 'yun." Utos ko sa kaniya.

"Bwesit ka, Alec. Akala ko may nangyari na sa inyo."

Tumawa ako sabay sabi ng aking pamatay na linya, "Sa akin may mangyayari? Luh, baka sa panaginip mo."

"Ulol..." Sagot niya. Lagi 'yang may sagot sa akin halatang bitter.

"Kaliwa ka tapos may isang pinto pasok ka doon."

Ginawa ko ang sinabi niya. Maingat akong nag lakad papunta sa kwarto na 'yun at nakita ko nga si Rain na abala sa pag pindot ng computer hindi nga siya lumingon 'nung pumasok ako.

Wala pang tatlong minuto akong naka pasok sa loob ng kwarto tumayo na agad siya sabay bunot ng usb drive. Nag lakad siya na parang wala lang ako naman sumunod sa kaniya hanggang sa makalabas kami doon ko lang naalala ang naranasan kong habulan na ayaw ko ng ulitin kahit kailan.

"Gago bakit hindi mo sinabi na may aso?!" Panunuway ko sa kaniya na biglang huminto sa may pinto ng kotse na gamit namin.

Sumama ang tingin niya sa akin, "Bobo ka ba? Kaya nga ako hindi makontak dahil nalaglag ang transmitter ko 'nung hinabol ako 'nung doberman." Naaasar niyang sagot.

"Doberman ang humabol sayo?" Nagtataka kong tanong.

Doon lang umayos ang tingin niya sa akin na may pag tataka, "Oo. Ano ba sayo?" Putangina. Ang kalmado niya tapos doberman ang humabol sa kaniya?

"Basta aso, iisa lang naman mga 'yan kumakahol at nangangagat." Sagot ko.

Ang hirap naman ng misyon na 'to. Sa susunod hindi na ako sasama pag ang mag kapatid na 'to ang ka team ko.

-

A/N: Filler lang 'to wala siyang effect sa story pangtanggal umay lang hshs. See you in next chappy!

Marrying the Mafia QueenWhere stories live. Discover now