Chapter 02

47.5K 1.2K 290
                                    

Chapter 02

I should turn off the notification of Snapchat.

I really should.

Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ko dahil lagi akong napapatingin doon... But on the other hand, kapag pinatay ko iyong notification ng Snapchat, pakiramdam ko naman ay lagi kong iche-check iyong app para makita kung nagmessage ba sa akin si Zion.

It was impossible.

Kailangan ko pa rin namang magtrabaho para may pambayad ako sa bills ko kaya naman itinago ko muna iyong cellphone ko sa drawer. I drew a deep breath and focused on working. Mabuti na lang at medyo time consuming iyong isang pinapagawa sa akin nung client kaya pasado ala una na nang matapos ako. I decided na magsaing muna ako ng kain at saka painitin iyong stove bago ko kinuha iyong cellphone ko.

No new notification.

Ano ba 'yan.

Bakit ako disappointed?

It's been three days pa lang naman. Besides, Monday ngayon. Baka may trabaho si Zion at saka hindi niya naman ako girlfriend. Ayoko maging clingy sa kanya kasi magkakatotoo iyong sinabi niya na kapag virgin, nagiging clingy sa nakakuha ng virginity. I refuse to be a part of that statistics.

Nagfocus na lang ako sa pagluluto. I decided na maggisa na lang ng corned beef na maraming sibuyas. I was in the middle of cooking nang biglang tumunog iyong notification ng cellphone ko. I was ashamed to admit na halos liparin ko iyong distansya nung kusina at work table kung nasaan iyong cellphone.

'Pwede gumala?'

I frowned nang makita ko na si Gem iyong nagtext sa akin. Tapos naman na ako sa gagawin ko sa work. Ito iyong gusto ko sa pagiging virtual assistant, e. Flexible iyong oras. Pwede na kaunti lang iyong gawin ko, pero dahil nagiipon ako, sinusubukan ko talaga na madami iyong clients.

'Okay,' I replied.

A few minutes later ay nakarinig na ako ng katok. Lagi naman kasi nandito si Gem kaya kilala na siya roon sa lobby at nakakadiretso na siya sa unit ko without the need to call me to confirm.

"Bakit?" I asked when I opened the door.

She shrugged. "Nothing. Bored."

"Sa dami ng ginagawa mo sa school, bored ka pa?" I asked kasi kasalukuyan siyang nagrereview para sa PLE niya.

"Breaktime ko," sabi niya. "Wala bang chismis d'yan?"

"Chismis saan?"

She shrugged again. "Party ni Nikki nung isang araw, right? Wala bang chismis doon?" she asked.

Pareho silang dalawa ni Nikki na best friend ko, pero dahil sobrang magkaibang tao sila, hindi rin sila close. Si Nikki ay model and sobrang open sa sex life niya and very outgoing. Si Gem naman ay virgin na mas madumi pa ata kay Nikki ang isip.

"Wala naman," I said tapos nakita ko na kumunot ang noo niya na para bang may tinititigan siya. "What?" I asked kasi ilang segundo na ang lumipas at ganoon pa rin ang itsura niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa may carpet sa sala ko. Lumapit siya sa akin. Bahagya akong napaatras nang lumapit siya sa akin.

"Ano ba'ng ginagawa mo?"

"Chikinini ba 'yan?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"

Tinuro niya iyong sa may bandang leeg ko. "Yan," sabi niya. "We've been friends for so long. Alam ko na wala kang balat d'yan."

The Lies That We Tell (COMPLETED)Where stories live. Discover now