Chapter 05

40.6K 1.2K 247
                                    

Chapter 05

Yeah... I definitely did something wrong... I was just not certain kung ano iyong maling nagawa ko and it's driving me insane!

"Bakit kasi hindi mo na lang i-message?" Gem asked.

It was Saturday night at nandito kami sa food park malapit sa condo. Usually, I'd be buying different food as a treat to myself. Kapag weekdays kasi ay marami akong trabho. As much as I wanted to eat, ako iyong tao na hindi nakaka-kain nang maayos kapag stressed o masyadong focused sa isang bagay. Saturday night and Sunday iyong pinaka-pahinga ko. Pero ngayon ay hindi ako makapagpahinga dahil busy ako mag-overthink at i-replay iyong mga ganap nung huli kaming nagkita ni Zion dahil pakiramdam ko talaga ay may mali akong nasabi.

"Hindi nga ganon kadali," I explained to her.

"Ano'ng hindi madali? Madali lang mag-type."

I rolled my eyes at her. I love her, but sometimes, I hated how pushy she was. She'd tell me na madali lang naman gawin, but then again, magkaiba naman kami. And also, I bet kapag crush niya iyong sasabihan ko na ganito ang gawin niya, she'd chicken out!

"Ayokong magmukhang clingy," sabi ko.

"Clingy? Two weeks ago na nung huli kayong nagkita kaya."

I sighed. Had it been that long? Galit kaya sa akin si Zion? But then again, kung galit siya, hindi ba may implication na may pakielam siya sa akin? Kasi bakit naman siya magagalit sa random na tao, right?

"Also, mukhang 'di naman siya busy kasi nakita ko nasa party siya."

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"

"Naka-follow ako sa IG niya."

Nanlaki ang mga mata ko. "Gem!"

"What? Naka-public kaya siya!"

"Kahit na!"

"E 'di magprivate siya kung ayaw niyang naviview iyong story niya?"

I groaned in frustration. Ako nga na curious na curious kay Zion ay hindi nagvview sa story niya sa IG! Heck, ni hindi ko nga alam iyong mga social media account niya. Grabeng self-control at restraint ang meron ako. Nakaka-bilib!

"Kapag nalaman niya na friends tayo, nakakahiya!"

Tumawa si Gem. "Feeler nito! Feel mo naman iistalk niya ako tapos makikita niya iyong account mo?"

Inirapan ko siya. "Bwisit ka."

"Ano? May feelings ka na, noh?"

"Feelings mo mukha mo."

"E bakit affected ka na hindi na nagmemessage sa 'yo?"

I rolled my eyes again. "Hindi ako affected."

"Geh. Kunwari naniniwala ako."

Kawawa naman iyong pad thai na kinakain ko dahil hindi na siya mukhang edible dahil siya ang napagdiskitahan ko sa bwisit dito sa kausap ko.

"Alam mo naman na madali akong ma-stress kapag feeling ko naka-offend ako, 'di ba?" She nodded because it's true. Hindi ko talaga kaya maging IDGAF na tao dahil masyado akong naaapektuhan kapag feel ko naka-offend ako lalo na kapag kaibigan ko.

"Ano ba kasi sinabi mo nung huli kayong nagkita?"

I sighed. "Ewan ko... Like small talk lang. Tapos biglang aalis na siya."

"Meron ka nasabi for sure," sabi niya. "Unless bigla lang talaga nagbago iyong mood niya for no apparent reason."

"Baka iyon iyong sinasabi ni Nikki na post nut clarity?"

The Lies That We Tell (COMPLETED)Where stories live. Discover now