chapter fourteen | this is how you stay alive

3.9K 350 227
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dahan-dahan!"

"Ha?!"

"Isang hakbang lang! 'Wag n'yong masyadong bibilisan, baka magpagulong-gulong tayo pababa!"­

Halos hindi kami magkarinigan habang tulong-tulong na ibinababa ang duguang si Bruce mula sa mahabang hagdan. Bukod sa napakalakas ng ulan sa labas, napakalakas din ng palahaw ni Bruce. Jackie kept sobbing out loud too, distraught over his twin's suffering.

Nang tuluyang makababa, kinarga na ni Bogart si Bruce sa kanyang likuran habang si Jackie ay patuloy lang sa pag-alalay.

"Mauna na kayo! Dalhin n'yo na si Bruce sa ospital! Hahanapin ko muna si Kuya Vito!" bulalas ko at hindi na naghintay pa ng kanilang tugon. Dala ang flashlight, nagtatakbo ako ulit paakyat ng hagdan.

Pagkarating sa pangalawang palapag, nakita ko ang espada ni Bruce na hindi ko namalayang nabitiwan ko pala. Nang pinulot ko ito, saka ko lang napansin ang mga bakas ng putik sa sahig, paakyat sa pangatlong palapag. The footprints were still fresh, so I was sure that it was Kuya Vito's.

I followed the footprints, and as soon as I reached the top of the stairs, I noticed the same foul smell in the air. This time, it was stronger. The entire floor was even darker, and the sound of rain was more deafening.

I took a deep breath and continued walking, still trying to follow the footsteps on the floor. Even if I began to see bloodstains on the floor, I continued walking, trying to focus my mind on the goal—find Kuya Vito and get the hell out of the orphanage.

"Shit!" I jumped and raised the sword like a madman when I noticed something walk past by, but I paused when I suddenly found my reflection right in front of me.

It was only a mirror. I got scared by my own f*cking reflection.

I sighed, but before I could put down the sword, I caught a glimpse of myself.

Dressed in an oversized orange shirt, I was soaking wet from the rain and there were bloodstains all over my face and arms. My hair was a total mess and my shoes turned red from all the blood that got on it. And my hands... the left held the flashlight, while the right held Bruce's sword. My hands were trembling but I was holding on to them like my life depended on it.

Sa sobrang dilim ng malawak na hallway, mukha akong nakatayo sa gitna ng dilim.

Habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon, bigla na lamang lumitaw ang isang duguang mukha sa mismong tabi ko.

Sa sobrang gulat, napatili ako at wala sa sariling napaharap sa katabi ko.

Lalo akong napatili nang makita nang malapitan ang mukha ng isang matandang madre. Nakadilat ang kanyang mga matang walang kabuhay-buhay at nakabuka ang kanyang bibig na tila ba gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas mula sa kanyang bibig.

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon