chapter sixteen | the symptoms

3.8K 327 84
                                    


With one swift flick of my arm, Papa's table would've been cleaned in an instant—plus, it would've looked really cool too—however, I couldn't bring myself to do so

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

With one swift flick of my arm, Papa's table would've been cleaned in an instant—plus, it would've looked really cool too—however, I couldn't bring myself to do so. Maraming mababasag sa mga gamit, mahirap linisin at mapapagalitan pa ako nang todo.

Isa-isa kong kinolekta at inilagay sa isang tabi ang bawat gamit sa mesa ni Papa. Nang wala nang matira, inilapag ko rito ang isang manila paper na nahanap ko lang mula sa cabinet, pati na ang isang mapa ng buong isla.

As I began to write with one of the markers I found, I noticed droplets of tears on the paper.

"Nieta." Tumingala ako at huminga nang malalim at sak nagpunas muli ng mga luha. Baradong-barado ang ilong ko, at kahit anong pigil ko, kusang pumapatak ang mga luha ko.

"Jordan?!"

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Papa at nakita kong pumasok si Kuya Vito na karga ang sanggol at hila-hila pa si Fatima. Halos masilaw ako sa dala nilang flashlight kaya napatakip ako sa mukha at bahagyang napayuko.

"Kuya, flashlight," paalala ko at agad din naman niya itong ibinaba nang kaunti.

"Okay ka lang?" tanong niya, bakas ang taranta sa boses at mukha.

I just killed the father of my best friend, I was miles away from okay. But Kuya Vito didn't deserve the sarcasm, so I just kept my mouth shut and looked around.

"Anong hinahanap mo?" tanong ni Kuya Vito.

"'Yong cabinet na ginawang taguan ni Papa ng mga mahahaling gamit mula sa lost and found." Lumapit ako sa isang metal blue drawer na may limang compartment. May sariling lost and found ang opisina, pero naisip ni Papa na sa ibang lugar itago ang mga mahahaling bagay upang huwag itong ma-access nang basta-basta.

"Sa huling dalawang drawer." Natigilan ako nang marinig si Gil na sumagot.

Kaagad akong napalingon kay Gil na kakapasok lang ng opisina ni Papa. Dahil sa utos ko sa kanyang sunduin sina Kuya, basang-basa na rin siya ng ulan.

"Paano mo nalaman?" Nakunot ang noo ko.

"Nauutusan siya minsan ng papa mo rito." Lalong nakunot ang noo ko nang si Kuya Vito ang sumagot.

"Inuutusan ka ni Papa?" I was so confused that I didn't care about coming off as rude anymore. It didn't make sense. Why would Papa trust Gil enough to let him frequent his office? Close ba sila? 

I wanted to clearly see the expression on GIl's face, so I picked up my own flashlight and pointed it at him. "Gil?"

Gil flinched over the light that hit his eyes. He threw his head back and raised his hand to shield himself. "May background ako sa IT. Sa akin nagpatulong ang papa mo sa pagco-convert ng mga papeles niya."

The green-eyed monster inside me suddenly awoken. 

"Why would he ask you that? Ni hindi nga siya nagbubuklat ng kahit anong papeles sa harapan ko! You're not even friends!" I argued.

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon