chapter twenty-one | hold on tight

3.2K 249 137
                                    


Gil was already bleeding on the floor but Bogart wasn't done

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gil was already bleeding on the floor but Bogart wasn't done. Bogart picked him up by the collar of his shirt and threw another merciless punch to his face.

"Bogart, tumigil ka na! Mapapatay mo na siya! Makinig ka, please! You saw what that nun was capable of! Gano'n ang nangyari sa lola mo! Tama na!" Pilit akong nagpupumiglas mula kay Arnold at Rambo na nakahawak sa magkabila kong balikat, ngunit masyado silang malakas kumpara sa akin.

We were at the rooftop, rain was pouring down directly at us and I could clearly see the lightning drawing up in the sky, followed by deafening roars of thunder.

Every kick and punch to Gil felt like torture to me, especially because I was there right in front of him and I couldn't do anything to help him.

I tried to close my eyes just so I wouldn't see Gil get beat to a pulp, but I could still hear him grunt and gasp in pain. It didn't help that both Rambo and Arnold were carrying flashlights and they were all pointed at the two of them.

"Tulungan n'yo kami! Tulong!" I tried to scream louder and louder, hoping someone will hear and come to our rescue, but it felt like no one was going to come for us. Gil and I were on our own.

"Alalahanin mo 'yong madre! Naging gano'n ang lola mo at pinagtanggol lang ako ni Gil! Huwag kang gago, utang na loob! Gamitin mo yang kokote mo, Bogart! Ano ba!" Parang mawawasak na ang lalamunan ko sa pagsigaw at para na akong mababalian ng buto sa kakapumiglas, ngunit mas nakatuon ang atensiyon ko kay Gil na nakadapa habang sapo ang sikmura. Halos hindi na siya gumagalaw, dahilan para maging abot-langit ang takot ko.

I wanted to grab the gun from my pocket but I was too weak to break away from their hold. I wanted to remind Gil of the gun he was carrying, but I was too afraid that if Bogart hears about the gun, he'd take it . . . worse, he just might use it against Gil.

Suminghap ako dahil sa tubig-ulang bumabagsak pababa ng mukha ko. Labis ang panlalabo ng mga mata ko pero hindi ko na alam kung dahil ba sa ulan o luha. "Gil! Fight back! Gil!" The gun! Remember the gun in your pocket!

Lalo pa akong nagpumiglas hanggang sa isang iglap ay bigla akong nadapa sa sahig, gano'n na rin sina Arnold at Rambo. Akala ko pagkakataon ko na 'yon para makawala sa kanila, pero dali-dali nila akong hinawakan ulit nang mahigpit at halos daganan pa sa likuran. 

"Huwag ka na ngang gumalaw, Vigoria! Mamaya mabalian ka pa ng buto!" bulalas ni Rambo at marahas akong hinila hanggang sa tuluyan akong maupo sa basang sahig.

"Bro, you're the one who's twisting her arm too much! Just hold her hand over her back, just enough so she can't move!" Narinig ko namang sabi ni Arnold.

Pauulanan ko sana sila ng mura, pero para bang may naririnig na rin akong sumisigaw mula sa kung saan.

Knowing the danger looming around us, people screaming would only mean one thing—all of us are doomed.

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon