chapter eighteen | the suspect

5.8K 349 205
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


"Tulong! Hinahabol ako ng mga marites!"

Fash was running toward us as fast as he could, but the two violent women were following too closely. Out of instinct, as soon as Fash was within my reach, I grabbed his jacket and pulled him in as hard as I could.

With how fast Fash was running and how hard I pulled him, we both lost our balance and crashed to the floor. With Fash already inside, Kuya Vito and Gil quickly pulled the double glass doors close. 

Saktong-sakto ang pagkakasara ng pinto. Bumangga ang mga ginang rito at lumikha ng napakalakas na dagundong. Napansin ko pang yumanig nang kaunti ang mga salamin. Mabuti na lang talaga at nabubuksan lamang ang pinto kung tinutulak mula sa loob, hindi mula sa labas. Ang tanging paraan lang para makapasok sila ay kung hihilahin nila pabukas ang mga pinto kaya naman todo kapit sina Kuya sa mga metal bar na nagsisilbing door handle.

"Gil, hawakan mo nang mabuti!" sigaw ni Kuya Vito at agad ini-lock ang pinto gamit ang mga latch na nasa kisame at sahig. 

Kasunod ng pagsigaw ni Kuya, lalong nagwala ang mga ginang at pinaghahampas na nila ang pinto. Good thing none of them thought of pulling the door handles, which were literally right in front of them.

I heard Fash groan from beside me. He rolled around and starting crying out from the top of his lungs. "Leche ka, Jordan! Ang sakit ng mukha ko! Natanggal yata ang ngipin ko!"

Lalong nagwala ang mga babae at mas lumakas ang pagdagundong ng mga pinto.

"Sh-Shut up! Everybody shut up! Wala nang gagawa ng ingay!" sumigaw ako nang malakas at napansin kong tumindi pa ang pagwawala ng mga ginang mula sa labas.

I felt them all turn to look at me, but my mind was too caught up with the theory that was forming up my mind. Dali-dali kong pinulot ang flashlight na nabitiwan ko at nang tinutok ko ito sa ginang, nagulat ako nang makita ang kanyang kamay na nakataas at para bang may mabilis na iniikot. Gano'n din ang isa pang ginang. With how they were pounding on the door with one hand and rotating some invisible object on the other, I was shocked to realize what they were doing.

"F-Flashlight! Off! Off!" Lumingon sa akin si Gil, bakas din ang gulat sa mukha. "Wala nang gagalaw at magsasalita!"

Sinunod ko ang sinabi ni Gil, at maging sila ay nag-off na rin ng kanya-kanyang flashlight. 

All of a sudden, the entire lobby was covered in complete darkness and silence. The women continued to pound on the door, but as moments passed, it became less intense than before. Less desperate.

Naramdaman ko ang paghawak ni Fash sa braso ko. He was cold and trembling. Gamit ang isa ko pang kamay, humawak ako sa kanya pabalik. Despite our situation, I felt less scared knowing I have a friend next to me. At least, I wasn't alone.

Fash buried his face on my shoulder and just hung on to me, while I kept a close eye on the door. Sa sobrang dilim, tanging anino lang ng mga babae mula sa pinto ang naaninag ko. Napakasakit sa mata, pero ayokong tanggalin ang paningin ko mula sa kanila.

The Sleepwalker Syndromeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن