Chapter 8

111 5 0
                                    

Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad at hanggang ngayon ay pala-isipan pa din sa akin ang nangyari kanina, ano bang ginagawa sa akin harman?

"Kanina ka pa tulala, ayos ka lang ba?" Tanong ni haruniel.

"Ah? Oo naman"

"Sigurado ka? Baka naman pagod ka na?"

"Hindi, ayos lang talaga ako" tumikhim ako at tumingin sa kaniya. "May alam ka ba tungkol sa tore?" Natigilan siya pero agad din lang napalunok.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Wala naman, parang may kakaiba kasi doon"

"Hay naku, kung ano-ano napapansin mo. Wala iyon at huwag mo ng isipin ang tungkol doon" tumango na lamang ako, may alam siya tungkol sa nangyari ngunit hindi niya kayang sabihin sa akin. Malalaman ko din yun sa lalong madaling panahon.

"Anong pinag-uusapan niyo ng aking mahal, haruniel?" Taas kilay na tanong ni harman.

"Aking mahal?" Natatawang saad ni haruniel. "Akala ko ba hihintayin mong lumaki si zisha at siya ang papakasalan mo? Anim na taon na lang naman ang hihintayin mo para ayain mo siyang magpakasal sayo"

"Bakit ko pa hihintayin si zisha kung pwede ko namang pakasalan ngayon si ann?" Napailing na lamang ako sa kanila. Ibig sabihin, kung hindi aalis dito sa mundo ng holypia si zisha hindi siya mamamatay sa mundo ng mga tao? Kailangan kong pigilan ang pag-alis niya. Ngunit kailangan ko munang malaman kung bakit siya aalis dito.

"Kung papayag siya?"

"Pumayag man siya o hindi, magpapakasal pa din kami"

"Hindi ikaw masusunod, prinsepe" ngumiti ako. "Bakit hindi mo na lang pakasalan si zisha? Malapit na din naman ang anim na taon"

"Hays, ewan ko sayo" at nauna na siyang maglakad. Ang lalaking iyon ay napaka-misteryoso ngunit nakakapikon ang ugali niya.

"Halatang, tinamaan sayo ang kapatid ko" ngumiti siya sa akin. "Paano ba yan? Magkakaroon siya ng karibal sayo" hindi ko na lamang siya pinansin, dahil hindi ko nauunawaan ang kaniya mga pinag-sasabi.

"Huminto na muna tayo dito at magpalipas ng gabi" saad ni herly at gumawa siya ng bahay kubo gamit ang kapangyarihan niya.

"Buti naisipan mo! Pagod na pagod na ako at inaantok na ako" reklamo ni helen at nauna ng pumasok sa bahay kubo.

Pumasok na din kami sa loob at naghanda na sa pag-tulog. Ngunit kahit anong gawin ko hindi ako makatulog. Bumangon ako at lumabas sa kubo. Umupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang langit at ang buwan. Walang bituin kung kaya't napaka-lungkot tignan ng langit ngunit nandyadyan ang buwan upang magbigay ganda sa kalangitan.

"Hindi ka din makatulog?" Boses ni harman at umupo siya sa tabi ko, binigyan niya ako ng tinapay na agad kong tinanggap dahil gutom na ako.

"Malapit ng mangyari ang mga naganap na noon"

"Anong mangyayari?"

"Kailangan matuloy ang kasal niyong dalawa"

"Ano?"

"Kailangan matuloy ang kasal niyo ni zisha!"

"Ano?! Ayaw ko siyang pakasalan!"

"Kung ayaw mo, mangyayari ang mga nakatakdang mangyari at ang kailangan ko lang gawin ay pigilan ito"

"Wala naman sigurong mapapahamak?" Hindi na lamang ako umimik. Alam kong masasaktan siya pagsinabi kong mabubura sa mundo ng holypia ang kanilang palasyo at lahat sila ay mamamatay at walang makakaligtas.

"Basta sundin mo na lang ako at hindi ka mapapahamak" ngumiti siya sa akin at nagulat ako ng hawakan niya ang aking pisngi.

"Lagi mo talaga pinapagaan ang loob ko, kaya mas lalo akong nahuhumaling sayo, eh" napalunok ako at hindi ko na naman maipaliwanag ang kaba sa aking dibdib. "Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha mo at sa tingin ko ay ito lamang ang nagbibigay kulay sa aking mundo"

The Princess And IWhere stories live. Discover now