Epilogue

181 5 0
                                    

"Ang dami niyong reklamo ngayon, bat hindi kayo umangal kay ina at ama noon?" Asar ko dahil nagrereklamo na naman sila.

"Tsk, alam mo naman na magagalit sila, noh!"

"Tapos nagrereklamo ka ngayon?"

"Kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang"

"Tsk"

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik" tanong ni haruniel kay ann kaya napatingin ako sa kanila. Bat magkadikit na naman sila?!

"Nababahala lamang ako lalo na at mahaba ang paglalakbay natin baka kung ano na ang nangyayari sa palasyo"

"Tama ka, ako ay nababahala din"

"Malapit na din naman at makakarating na tayo" ngumiwi na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanila, lagi na lang silang parang nagkaka-intindihan. Paano ba niya ako mapapansin ng hindi ako nagpapapansin?

"Reyna garillia, nais ka naming makita" sigaw ni helen, ngunit wala kaming nakuhang sagot kundi bigla na lamang bumungad sa harap namin si reyna garillia. Nang masilayan ko ang mukha niya agad akong napakunot, parang may kakaiba kay reyna garillia.

"Ano at naparito ang mga prinsepe at prinsesa?"

"Nais kang maka-usap ng aking ina at ama, reyna garillia"

"Nag-aksaya lamang kayo ng oras maglakbay, dahil nagkakagulo na ngayon sa inyong palasyo" nagulat kami sa kaniyang sinabi, paano niya naman agad nalaman iyon? Eh, hindi pa naman siya bumibisita sa palasyo. "Kailangan niyo ng magmadali. Pumasok na kayo sa lagusan at dadalhin kayo nito sa inyong palasyo"

"Ano pang hinihintay mo, ann? Tara na!" Hinila ko na agad si ann dahil kinakabahan ako sa titig ni reyna garillia sa kaniya.

"Nasaan tayo? Akala ko ba sa palasyo ang punta natin? Bakit nandidito tayo sa kakaibang isla?" Gulat na sabi ni helen. Tama ang kutob ko, hindi siya si reyna garillia.

"Walang ibang tao dito bukod sa atin, asahan niyo na din ang mga mababangis na hayop" sambit ni ann kaya agad akong kinabahan. Hindi naman ako takot sa mababangis na hayop, hindi talaga!

"Ano? Paano tayo makakalabas dito?" Tanong ni herly.

"Hindi na tayo makakalabas, dibale na lang kung makikipaglaro kayo"

"Hindi siya ang tunay na reyna garillia"

"Kung ganoon? Nasaan ang tunay na reyna garillia?" Litong tanong ni haruniel, napakagat labi na lamang ako.

"Anong klaseng laro para makalabas tayo dito"

"Delikado yun, kapag nagkamali ka sa larong ito maaari kang mamatay"

"Ano?! Bakit naman ganoon kadelikado?" Tanong ni helen, bakit kailangan may magbuwis ng buhay?

"Dahil kapag namatay ka sa larong iyon, muling mabubuhay si demon. Ikaw ang iaalay ng pekeng reyna garillia kay demon"

"Ano?! Bakit naman kailangan mangyari iyon?"

"Sapagkat may anak si demon, maaaring anak niya ang nagpapanggap ngayon na si reyna garillia. Magpahinga na muna kayo at ako ang gagawa ng paraan para makalabas tayo dito"

"Paano mo nagagawang kumalma?"

"Sapagkat wala namang magagawa ang takot at taranta" hindi na lamang kami umimik

"Kukuha lang ako ng prutas doon" agad kong sabi ng papasok na sila sa kubo.

"Sige, dalian mo at nauulan na"

The Princess And IWhere stories live. Discover now