Chapter 10

121 3 0
                                    

Mabilis akong naglaho papunta sa tore at nakita kong nagkakagulo na ang lahat. Hinanap ko agad ang huwad na reyna garillia at nakita ko siyang nakikipag-laban kay zack.

"Zack!" Sigaw ko ng tumilapon siya, agad ko siyang pinuntahan at ramdam ko ang panghihina niya.

"A-Ayos lang ako, argh!"

"Hindi ka maayos, kailangan mo ng umalis dito upang iligtas ang iyong sarili"

"Ramdam ko na, ann. Wala akong silbi sa mundong ito! Ni hindi ko nga mailabas ang kapangyarihan ko"

"Maniwala ka sa akin, mailalabas mo na ang kapangyarihan mo"

"Hindi na ako umaasa"

"Kaya pala ayaw akong pakasalan dahil may iba pa lang mahal, may iba pa lang gustong pakasalan" napatingin kami sa lalaking nakatayo at nakita namin si harman, napalunok ako dahil hindi tama na dito pa namin ito pag-awayan. Binigyang lunas ko agad si zack dahil wala na kaming oras, kailangan tapusin agad namin ito.

"Huwad na reyna garillia at reyna herlen!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin. "Nasa akin ang bolang diamante!" Inilabas ko ang bolang diamante na ikinagulat nilang lahat.

"Akina yan!" Sigaw ng huwad na reyna garillia.

"Ibalik mo sa akin iyan!" Sigaw rin ng huwad na reyna herlen.

"Bakit? Ayaw niyo bang buhayin muli ang tatlong ito?" Turo ko sa tatlong taong bato na kinagulat nila.

"Akina iyan sabi, eh!" Umiling ako at agad binasag ang bolang diamante.

"HINDI!!!!!" Sigaw nila kaya napa-atras ako ng umilaw ng malakas ang bolang diamante, nagulat kami ng unti-unting naglalaho ang dalawang huwad na reyna, parang nasusunog ang kanilang buong katawan.

Nang tuluyang maglaho ang dalawa, sunod na umilaw ay ang tatlong taong bato. Unti-unting nawawala ang mga lumot na nakapalibot sa kanila at unti-unti din silang nagiging tao na. Nang tuluyan silang maging tao na ulit agad nilang hinabol ang kanilang mga hininga.

"INA!" Sigaw ng pinuno at nila harman ng masilayan nila ang kanilang ina.

"Ama!" Sigaw ng isang batang babae at mabilis niyang niyakap ang kaniyang ama na naging bato din.

Lumapit sa akin si reyna herlen at hinawakan ang kamay ko.

"Tama akong ikaw ang makakapag-palaya sa amin" yumuko ako upang magbigay galang.

"Ngunit may isa pa po tayong problema"

"Ano iyon?"

"Naghahanda na ng hukbo si demon" agad silang nagulat sa aking sinabi. "Tama kayo ng narinig, muling binuhay ng huwad na reyna garillia si demon ng siya'y makalaya sa kulungan noon"

"Kailan magaganap ang digmaan?"

"Bukas ng gabi" nilabas ko ang kwentas at nilabas ko ang sandata ko.

Hinagis ko paitaas ang kwentas at agad itong winasak. Muling umilaw ng malakas dahil nakalaya na si reyna garillia. Tunay ngang napaka-ganda niya at kakaiba ang kaniyang kapangyarihan.

Yumuko kami upang magbigay galang sa napaka-makapangyarihang diwata sa buong holypia.

"Kinagagalak kong makita kayong muli" saad nito na kinangiti namin. Tumingin siya sa akin kaya napayuko ako ngunit nagulat ako ng inaangat niya ang aking mukha. "Bakit naman nahihiya sa akin ang nakatakdang maging reyna ng holypia?"

"Paumanhin--"

"Salamat. Salamat, prinsesa Marie Ann dahil niligtas mo ang buhay namin. Simula pa lang ay alam ko ng karapat-dapat ka" umiling ako.

The Princess And IWhere stories live. Discover now