Chapter 11

121 4 0
                                    

"Ann, tumayo ka" bulong sakin ni demon na agad kong ginawa. "Nakikita mo ang lahat ng iyan?" Turo niya sa mga kawal at maharlika na nakikipag-laban sa mga baldezar. "Patayin mo silang lahat, wala kang ititita! Naiintindahan mo?!" Tumango ako at yumuko. "Sige na, sugudin mo na sila!"

"Ahhh!!!! Si ann!" Sigaw ni rosy kaya naagaw niya ang atensyon nila. Napatingin silang lahat sakin at ng patayin ko ang kawal agad silang nagulat. Ngunit nakakapag-taka dahil bakit ganito ang reaksyon nila? Ni wala naman akong paki sa mga nararamdaman nila, ang kailangan ko ay sundin si demon.

"Ann!" Tawag ng iba sa akin ngunit hindi ko naman sila kilala bukod sa mga pangalan nila.

Agad kong sinugod si tydish at magaling dahil kakaiba ang galing niya. Naglaban kaming dalawa at natutuwa ako, hindi ko alam kung bakit. Agad ko siyang sinipa kaya tumilapon siya.

"Demon! Hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko!" Sigaw ni ina ngunit tumawa lang si demon.

"Pigilan niyo siya!" Sigaw ni reyna zayna.

"Walang makakapag-papigil sa kaniya" sambit ni reyna garillia.

"Meron!" Napatingin sila kay zack dahil sa sinabi nito. "Ginawa na din sa akin ni demon ito kanina, ang tanging paraan lamang ay sugatan siya!" At pinakita niya ang sugat niya.

Sinugod ako ni kylish ngunit agad ko na siyang inunahan, nilabas ko ang kapangyarihan ko at agad ko siyang sinakal gamit ang hangin.

"Ann! Bitawan mo siya!" Sigaw ni herly at helen.

Sabay na sumugod si zack, tydish at harman sa akin kaya nalito ako kung sino ang uunahin ko. Mabilis ang kilos ni harman at sinugatan niya ako sa braso, napatigil ako at napatingin sa sugat na matamo ko sa kaniya, kitang-kita ko ang pagdurugo nito kaya agad tumulo ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Yumuko ako at humalikhik, tumawa ako ng malakas at ngumisi. Tumingin ako sa kanila ng masama kaya mas lalo silang nagulat.

"Magaling, prinsepe harman" natatawang saad ko at agad siyang sinugod, mabilis ang kilos niya kaya sinabayan ko ang kilos niya.

Habang naglalaban kami ni harman naririnig ko ang mga pinag-uusapan ni zack at tydish.

"Sabi mo kailangan lang siyang sugatan?"

"Yun ang alam ko! Kasi yun ang ginawa sakin kanina ni ann kaya napabalik ako sa sarili ko"

"Bakit hindi tumatalab sa kaniya?"

"Kasi ibang mahika ang ginamit ko sa kaniya" sabay tawa ni rosy.

"Mahal, itigil na natin ito" saad ni harman at ramdam ko ang pagod niya habang nilalabanan ako pabalik.

"Titigil lamang ako kapag napatay ko na kayong lahat"

"Ann, kami ang kakampi mo" umiling ako.

"Kailangan ko kayong patayin!" Agad kong sinipa si harman pero tinulungan siya ni rosy na kinataka ko.

"Ako na bahala dito" tumango ako sa sinabi niya ngunit pakiramdam ko may mali. Kailangan ako at pumatay kay harman dahil iyon ang utos ni demon. "Ann, ako na bahala dito" agad akong umiling.

"Ako ang papatay sa kaniya"

"Hindi mo siya pwedeng patayin dahil.." napataas ang isa kong kilay. "Dahil mahal ko siya"

"Hindi mo maaaring mahalin ang kaaway, rosy"

"Manahimik ka! Sila! Sila ang patayin mo!" Turo niya kila tydish, ngumiti ako sa kaniya at yumuko.

"Masusunod" gumawa ako ng kidlat at gumawa ako ng tubig at pinagsama ko ang dalawang ito. Inikot ko ito at gumawa pa ako ng ipo-ipo kasama ang apoy. Pinag-sama-sama ko ang mga ito kaya agad silang nagulat.

The Princess And IWhere stories live. Discover now