Chapter Fifteen

2.4K 36 6
                                    

I was nervous habang nagpapaalam ako kay sa Daddy na I'm going out on weekend. Mommy knows kung sino ang kasama ko at ayos lang naman sa kaniya. Kay Daddy ako nag-aalangan dahil unang-una, hindi niya kilala si Jai. Pangalawa, lalaki ang kasama ko at kami lang dalawa.

"Iharap mo sa akin kung sino ang kasama mo bago kita payagan. Sunduin ka muna niya rito," aniya habang kumakain kami sa hapag.

Wala akong choice kung hindi tumango dahil baka hindi niya pa ako lalong payagan kapag sinabi kong hindi pwede o hindi kaya naman ayaw kong ipakilala sa kaniya si Jairus.

"You need to fetch me here first bago ako payagan ni Daddy," sabi ko sa kaniya habang magkausap kami sa phone.

"Yeah. I was thinking about that, too. I don't want to be disrespectful to your parents, so I'll ask for their permission first before I take their daughter out."

I smiled suddenly because he's too understanding. Iniisip niya rin kung ano ang maaaring isipin ng mga magulang ko. I really admire him because of that. Lagi niyang iniisip ang iba sa paligid niya. Kung ayos lang ba na ganito o ganiyan.

"That's better." I laughed. "You really need to show up here if you want me to go with you. Ayaw mo naman sigurong pumunta na lang mag-isa sa Laguna, 'di ba?"

"Talagang ayoko," natatawa niyang sagot. "I don't want to look like a lonely boy there, though I'm also used to being alone. Sanay rin naman akong mag-isa kaya walang problema kung hindi ka payagan, I'll respect your parents' decision. Marami pa naman sigurong next time na pwede kang isama."

I smiled because of that thought of him. It just means that he's looking forward to more . . . and I don't know why I like the idea of it.

"Basta just go here."

"Yes, Ma'am!"

I just laughed but I didn't answer anymore. I just bid my goodbye and gave a few more instructions when he got here tomorrow before I ended the call.

I already packed my things. Alangan namang hintayin ko pa ang signal ni daddy bago ako mag-ayos ng mga gamit ko. That would take too much time. Jai told me we will stay there until Sunday evening, but I just brought enough clothes. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta but I made sure na may dala akong swimsuit just in case na may plano pala siyang swimming.

Hindi niya naman kasi sinabi sa akin.

The next morning, a loud knock on my door wakes me up, which I suspect that Reneil is the one knocking. Siya lang naman ang malakas kumatok sa pinto ko dahil alam niyang doon ako magigising.

"Nasa baba na bisita mo, ate," aniya mula sa labas. "Kanina pa naghihintay."

Agad akong napatingin sa wall clock nang sabihin niya 'yon. Napabalikwas ako sa kama nang makitang 8:30 na ng umaga. I told him to come here at 8:00 am. Sumunod siya sa usapan, ako itong hindi. Kahit pa sabihing bahay ko naman 'to, nakakahiya pa rin.

He needs me there!

Ngayon ay hindi ko tuloy alam kung ano ang sitwasyon niya sa baba kasama si Daddy. Is he still okay there? What if dad is asking him too many questions na hindi naman necessary? Baka mamaya ay iniisip niyang boyfriend ko 'yon kahit hindi naman.

Just stand up and fix yourself, Kylei! Hindi mo naman malalaman kung hindi ka pa bababa!

Nagmadali ako sa pag-aayos saka bumaba. Wala sila sa living room at ang naririnig kong mga boses ay galing sa dining kaya tingin ko'y nag-aalmusal na sila.

Lumipad sa akin ang mga tingin nila nang dumating ako. I can't see any tension between dad and Jai. In fact, they are both smiling. Pati na rin si mommy, kaya naman kumunot ang noo ko. This is not what I expected.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now