Chapter Nineteen

1.9K 22 3
                                    

The man looked at me and laughed. "And who's this woman trying to be your savior, huh?"

"H'wag na h'wag mo siyang isasali rito!" galit na sabi ni Jai. His jaw clenched.

Imbis na pakinggan ay tinawanan lang siya ng lalaki. Hindi naalis ang tingin nito sa akin ngunit nananatili pa ring hawak ang kwelyo ni Jai.

"What's your name? Ano ka nito? Girlfriend?" He laughed sarcastically. Ang tawa niya'y nakakainis pakinggan. "This man doesn't deserve someone as beautiful as you, woman. Mag-isip ka hangga't maaga pa."

The side of my lips rose and went closer to them. Kahit mas matanda siya sa akin, wala akong pakealam.

These kinds of people don't deserve even at least a little of my respect.

I held his hand and forcibly removed it from Jai's collar. "You don't command someone you don't own, sir. I am not one of your people." I looked at him from head to foot. "Look at you, you're already a grown man pero bakit parang wala kang pinagkatandaan?"

Nawala ang ngisi sa mukha niya at napalitan ng inis. Bumaling siyang muli kay Jai at sa akin ulit.

Jai held my hand to stop me from talking but I just couldn't shut my mouth.

"Please, just let us go, Sir Gonzales . . ." Jai uttered.

Hindi nakinig ang lalaki sa kaniya. "Ganiyan ka ba kahina at kailangan ka pang ipagtanggol ng babae? Hindi ka lang pala sa arkitektura mahina. You're just a pure weakling who needs to be babied by everyone. Hindi por que mayaman ka, lahat luluhod para sa 'yo, bata."

Jai's expression changed. Kung kanina'y kalmado pa siya, ngayon ay hindi na. Kitang-kita ko kung paano napalitan ng galit ang mga mata niya.

"We've been warning you since day one. Umalis ka na lang sa amin dahil kahit kailan, you won't fit in. You're not belong to the architecture industry because you're a piece of shit who's just trying hard." He looked at me again and pointed his finger at me. "At itong babaeng 'to? You see her as a challenge, do you? Kukunin mo tapos pagsasawan mo lang kasi—"

Naputol ang pisi na kanina pa pinipigilan ni Jai. He punched the man which made him lose balance and slumped on the floor.

"I told you, don't include her in your fucking delusions!" he shouted.

Ang dalawang kasama ng lalaki ay mabilis na dumalo sa kaniya. I immediately grabbed Jai's hand and dragged him away from the mess bago pa siya mabawian.

Kahit ayaw niya'y wala siyang nagawa kundi sumunod sa akin.

Parehas kaming naghahabol ng hininga nang makalabas. Ako dahil sa pagod at kaba, siya naman ay sa galit na hanggang ngayon ay kita sa kaniya.

"Let's just go, Jai," I calmed him down.

He looked at me. Lumambot ang kaniyang ekspresyon habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"I'm sorry you needed to see and hear that . . ." he apologized. "Hindi mo dapat nakita 'yon."

I don't know what came to my mind and I hugged him. I just felt he needed this.

"Hindi dapat ako ang ipinagtatanggol mo dahil kaya ko ang sarili ko, Ky. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag pati ikaw idinamay nila. Hindi mo na dapat ginawa 'yon dahil hindi sila kung sino-sino lang," mahinahon niyang panenermon sa akin. "Hindi naman ako mananahimik nang gano'n kung hindi ako natatakot para sa 'yo at para sa akin."

"I'm sorry . . ." Tumingala ako sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya. "Sumakay ka na," marahan niyang wika at pinagbuksan ako ng pinto.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now