Chapter Thirty-one

2K 18 0
                                    

Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa unang araw ko sa law school. I'm confident that I'll go back to studying well prepared. I spent a month managing my business in daylight, and just locking myself in the library to study all night.

I entered our room with a wide smile only to get out, shoulders down with low self-esteem. I know I study hard, that's what I thought. Pakiramdam ko napahiya ako sa buong klase nang tanungin ako ni Attorney Galvez tungkol sa isang situation. I know the answer, but I stuttered because of the intense nervousness. Idagdag pa nang taasan ako niya ako ng kilay, unang beses na mautal ako. My block mates are smart and confident enough to answer her questions without twisting their tongues even at least a little.

After asking, she lectured about being sure of oneself, which I am sure is about me. Ang abogado, laging taas noo at hindi pilipit ang dila lalo na sa harap nang marami. Paano mo raw ipaglalaban ang kliyente mo kung kinakabahan ka't nauutal pa?

Nanliliit ako sa sarili no'ng mga oras na 'yon. Kasisimula pa lang ng klase pero gano'n na agad ang inabot ko, paano pa kaya kapag nagtagal?

Niña, one of my classmates, tried to comfort me. Gano'n daw talaga mostly ang mga prof namin. Strikto at lahat napapansin. Second year na raw dapat siya, ang kaso no'ng pagpasok niya last year, matinding kahihiyan daw agad ang inabot niya. Sa sobrang hiya, 'di niya na pinagpatuloy ang pagpasok. Ngayon na lang daw ulit siya bumalik kasi sigurado siyang kaya niya na.

Kung tutuusin, madali lang naman ang tanong ni Atty. Galvez at alam ko naman talaga ang sagot, nagkataon lang na nautal ako at dahil do'n, na-mental block kaya nagmukhang hindi ko talaga alam ang isasagot. I still continued answering though, with the best that I can but still, she's not satisfied.

Buong araw ko 'yong iniisip na nawala na sa sarili kong susunduin nga pala ako ni Jai. Nakatayo ako sa labas ng University na akala mo batang nawawala. Napatalon na lang ako sa gulat nang may bumusina. Nakahinto na pala ang sasakyan ni Jai sa gilid ko.

The car window rolled down slowly and revealed his confused face. "What's our problem, my love? You had a bad day?"

He extended his arm to open the door for me while still staring at my face. He noticed my mood quickly. Umiling lang ako sa kaniya at mas piniling manahimik. Nakatingin lang siya sa akin, binabasa ako. Mahina siyang bumuntonghininga.

"Tell me what happened, baby. I'll listen . . ." he muttered.

My eyes welled up. I feel so down right now thinking about their impression. Hindi naging maganda ang unang araw ko sa klase at alam kong tatatak na 'yon sa isipan nila, na ako 'yong kaklase nilang nabubulol at mukhang tanga.

I started crying. Tuluyang pinatay ni Jairus ang makina ng kaniyang kotse at ibinigay ang buong atensyon sa akin. He leaned closer to pull me. I ended up crying on his broad chest.

"Anong nangyari?" tanong niya. "Who made my baby cry?" He's gently stroking my hair.

"I-I failed . . ." Humikbi ako. "Napahiya ako in front of our class because I stuttered. I wasn't confident enough to answer."

"Babe, it's pretty normal. Even the smartest person stutters sometimes, and I know they also had one time in their life that they felt nervous in front of some people," he said.

Tama naman ang sinabi niya. Sino nga ba namang tao ang hindi naranasang mabulol, 'di ba? Pero hindi maaalo no'n ang pakiramdam kong buong taon o mas malala pa ay apat na taong nakasalpak iyon sa utak ng mga kaklase ko at hinuhusgahan na nila ako.

"Pakiramdam ko ang bobo ko para sa kanila. Siguro 'yong iba sa kanila nagtataka paano ako nakapasa sa entrance exam, o 'di naman kaya saan ako kumukuha ng lakas ng loob mag-abogado, eh ang tanga-"

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now