Chapter Twenty-eight

1.9K 23 1
                                    

Without enough sleep, I rushed inside our house. Ang tanging naabutan ko ay si Reneil na tulala sa sala, at nang makita niya ako, agad siyang tumakbo papalapit para yumakap nang mahigpit.

He cried in my embrace. Hindi lang basta iyak kundi ngawa ng isang batang iniwan. He doesn't deserve to carry all those things. If only I know, nagmatigas na lang sana ako sa ama.

Bumuhos ang mga luhang parang ang tagal niyang pilit pinigilan. Bata pa ang kapatid ko para maranasan ang mga ganitong bagay. Mommy’s nowhere to be found at hindi namin alam kung saan pa siya hahanapin.

I contacted all of her friends but none of them knows her whereabouts. Hindi siya nagsabi ni isa sa kanila kung saan siya pupunta. I also asked them the places they’ve been, pero puro restaurant at bar lang naman ‘yon. Sa mga resort naman na pinanggalingan nila, I asked the staff if my mommy is there, wala rin daw.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I don't care about dad anymore. Mahal ko siya, pero ang ipagtanggol pa siya sa mga kasalanan niya ay hindi ko na gagawin. He deserves where he is right now. Ang tanging magagawa niya na lang ay pagbayaran ang lahat ng iyon.

Now, the man I love is fighting for his life. Iisipin ko pa lang na nahihirapan siya ngayon, gusto kong sisihin ang sarili ko. Kasalanan ko. Kung sana lang nagtiwala ako sa kaniya, ‘di ba? Pero masisisi niya ba ako kung gusto ko lang maging ligtas siya matapos kong malaman na kayang pumatay ni daddy?

I chose his safety, but I wasn't smart enough to think that while I'm away, daddy has a bigger chance to get on his way. Sobrang tanga ko para maniwalang walang gagawing masama sa kaniya si daddy kapag sumama ako sa kaniya.

I don't know my father anymore, or it's better to say that I’ve never known him. Hindi ko talaga siya kilala dahil ang ama na kilala ko, respetado at hindi kayang gawin ang mga bagay na ‘to.

“I don't know what to do anymore, ate. I'm fed up with everything!” He cried more.

“Me too, Reneil. But . . .” I let go of his hug and held him on his shoulders. “We’re together on this, ‘kay? Together we will fight and fix them all.”

Muli niyakap ko siya nang mahigpit hanggang sa kumalma siya. “Hahanapin natin si mommy. Aayusin natin lahat ng ‘to.”

“Hindi mo ba pupuntahan si Kuya Jai?” tanong niya nang mahimasmasan.

Nilukob naman ako nang matinding kaba. Kung pupuntahan ko siya roon, maaaring makita ko ro’n ang buong pamilya niya. Baka sinisisi nila ako sa nangyari sa anak nila. Kahit ako naman, sinisisi ko ang sarili ko pero hindi ko naman ginusto ang nangyari.

No one wants that to happen. Hindi ko gugustuhing mangyari iyon sa taong mahal ko.  I didn't want to let him go but it's the only choice I have. I didn't know this would still happen.

Sumasakit na ang ulo ko sa dami nang iniisip. Hindi ko na alam kung saan pa hahanapin ang nanay ko habang ang lalaking mahal ko, naroon sa ospital at nakikipaglaban sa sariling buhay.

Nakahiga ako sa sofa at nagpapahinga. Nakapikit ako pero hindi ko makuhang matulog sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na alam saan ako magsisimula. Gulong-gulo na ako.

Hinihila na ako ng antok nang tumunog ang cellphone ko at makatanggap ng tawag kay Milgrace. Kabado naman akong sinagot ‘yon.

“Anong nangyayari, Ky? You’re not picking up your phone. Tumawag ako kay Raya, sabi niya umuwi ka na raw dito,” bungad niya agad. “Nasa ospital kami ngayon, gising na si Jai.”

Napasinghap ako. “Thank God!”

“He’s looking for you, Ky. Please, magpakita ka na . . .” tunog nagmamakaawa niyang sabi.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now