Prologue

4.8K 224 232
                                    


Monday Mass


Masama talaga ang ugali ko. 


Proud ba ko? 


Siguro.


Ngayon ko lang nakumpirma, akala ko kasi maldita lang ako. 


Mas malala pa pala ako. 


"Tamihik nating ipanalangin ang kaluluwa ng yumaong kapatid natin. Ipabaon niyo ang inyong huling mensahe para sa kanya," sabi ng Pari at yumuko naman ang mga nakikinig.


May kapatid pala ako mula sa ibang magulang? 


Bakit ba kapatid ang tawag nila sa mga kapwa nila? Hindi naman sila iisa ng magulang. 


Spiritually? Ay weh?


Napatingin ako sa kabilang hanay ng mga bangko. Nakatingin sa 'kin ang isa sa mga youth leader. Inayos niya ang frameless eyeglass niya. Agad akong umiwas at yumuko. Pumikit na rin ako para makisabay sa mga kasama kong nakikinig ng misa. Gigil pa naman sa 'kin ang mga church youth leader ng school. 


Hindi pa man ako nagtatagal na nakapikit nang merong humagulgol ng iyak. Lahat kami napadilat at napatingin do'n. Isa sa mga student leader ng campus ang hindi na nakapagpigil at napaiyak na. Hindi na nakatiis ang ibang istudyante at napaiyak na rin. Synchronize sila parang swimming. 


Dapat na rin ba kong umiyak?


Kaso hindi naman kami close ng namatay na istudyante. Hindi ko nga alam kung kilala niya ko.


Pero valid naman siguro kung umiyak ako dahil absent ako sa first subject ko? Hindi ako nakapasok dahil hinarang ako ng isa sa youth leader para um-attend ng pamisa nila para sa namatay na istudyante. Aangal sana ako kaso naalala ko may atraso ako sa kanila nang minsang tanongin ko sila kung bakit hindi nila damitan si Jes/us baka nilalamig na siya sa gitna ng altar. 


Muntik na ko ma-report sa Dean for misconduct buti na lang niligtas ako no'ng isang Campus student leader. Si Riza. 


Si Riza. 


Para sa kanya nga pala ang misa na 'to. Natagpuan siyang patay sa isang botanical shop sa bayan. Pinukpok sa ulo bago pagsamantalahan, o pinagsamantalahan muna bago hampasin sa ulo. Hindi ko maalala ang buong kwento na narinig ko. 


Pero naalala ko kung paano siya ngumiti bago bumaba ng bus, isang araw bago siya matagpuang patay. 


Ang bagal ng oras no'n. Uwian kaya maraming nag-aabang ng masasakyan. Maswerte ako at nakaupo agad ako at malapit pa sa driver kaya kita ko ang muka ng mga sumasakay at bumababa mula sa pinto. 


Huminto ang bus, sumakay siya kasabay ng iba pang istudyante. Nakangiti siya kahit pawisan at nakikipagsiksikan. Lahat ng pasahero na kakilala niya binati niya at nginitian, maliban sa 'kin. Siguro dahil nag-headset ako no'n para hindi maingayan at umiwas na ng tingin sa kanya. Pwede ring dahil hindi naman niya ko kilala. 

When the Bus StopsWhere stories live. Discover now