Chapter 1

2.7K 157 49
                                    

I dedicate this chapter sa magaganda ko 'raw' na admin. haha

Francine Delapunta

Kyla Marie Geronimo


Gift


Sa paniniwala ng ibang relihiyon, ang tao kapag namatay na dumidiretso na sa kabilang buhay o langit ang kaluluwa para hatulan sa mga naging kasalanan nila sa mundo.


Eh ano si Riza?


Meron pang isang paliwanag na narinig ko no'n sa isang grupo.


Kapag isinilang tayo meron tayong gabay sa kanan at kaliwa. Turo sating mga bata. Isang anghel at isang demonyo. Isang nagtuturo ng tama at isang nagtuturo ng masama.


Ang anghel sa kanan daw natin ang gabay o gaurdian angel natin. Ang demonyo sa kaliwa naman ang nag-uudyok sating gumawa ng masama. Dahil dito lagi kong hinahampas ang kaliwang balikat ko para masaktan siya na hindi ko naman alam kung tumatalab ba.


Pero meron pang isang trabaho ang nasa kaliwa.


Trabaho niyang pag-aralan ang taong binabantayan. Trabaho niyang kopyahin ang lahat ng nakikita. At kapag dumating na ang panahon na yumao na ang tao. Pagkakataon na niya.


Pagkakataon na niyang kopyahin ang tao at magpakita sa iba bilang siya.


Associated din sa doppelganger ang paliwanag na 'to.


Eh ano nga si Riza?


Kaluluwa.


Ispirito na hindi makatawid.


May mga relihiyong naniniwala sa mga kaluluwang hindi pa makalisan sa mundo.


Hindi ko alam kung alin ang totoo sa kanila. Merong tumutugma at meron ding hindi sa naranasan ko o nakaharap ko.


Pero no'ng mga panahong nakakakita ako ng kaluluwa, meron akong na-obserbahan sa kanila.


May kaluluwa na parang may sariling mundo. Nakalutang lang o parang nasa limbo. Hindi makakausap kahit anong gawin sa harap nila, o kung makausap man sila limitado lang.


Merong kaluluwang pwedeng makausap na parang buhay na tao. Madaldal, maraming alam at kayang makisalamuha sa ibang kapwa kaluluwa. 


May kaluluwa na sa sobrang tagal na sa mundo, nagkakaroon na ng kakayahang manakit ng tao o kaya man gumalaw ng gamit. Kilala bilang poltergeist. 


Merong kaluluwang alam na patay na sila pero ayaw pa ring tumawid sa kabilang buhay. Maaaring may hinihintay o kaya man ay merong pang gustong gawin na hindi magawa. Pwede ring may mission pang tinatapos kagaya ng pagbabantay sa mahal sa buhay o mahalagang gamit.

When the Bus StopsWhere stories live. Discover now