Chapter 3

1.6K 135 42
                                    

To Help


Hindi siya tumawid sa kabilang buhay.


Hindi rin niya maalala ang pagkamatay niya.


Hindi rin kami makapag-usap ng maayos.


Higit sa lahat hindi ko rin siya laging nakikita.


Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya.


O sa 'kin.


Nahihirapan ako dahil sa kanya. Wala akong planong tulungan siya pero hindi siya mawala-wala at malamang hindi rin niya ko titigilan.


Lagi namang gano'n.


Hindi ko tuloy maintindihan ang dapat kong gawin. 


Napatingin ako sa pintuan ng merong kumatok. Hindi ako sumagot, baka kasi hindi tao. 


"Kriz? May naghahanap sa 'yo sa baba," tawag sa 'kin ng landlady. 


Siya pala ang kumakatok. Mabuti ng makasiguro. 


Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Hindi pa ko tapos magtupi ng damit ko. Hindi ko nga alam kung tama ba ang ginagawa ko dahil hindi mawala sa isip ko si Riza. Hindi pa siya nagpaparamdam sa 'kin. 


Huling kita ko sa kanya ay no'ng nagkagulo sa Youth Program na dinaluhan ko. Pagkatapos no'n nawala ulit siya, pero alam kong hindi pa siya tuluyang tumatawid, lalo na ngayon na naramdaman niya ang pumatay sa kanya.


"Sige, bababa na ko," sagot ko bago magsuot ng tsinelas at buksan ang pinto.


Sandali akong natigilan ng sumalubong sa 'kin ang isang matandang lalaki. Sobrang bagal niya kumilos habang nanginginig. Kundi ako nagkakamali siya ang dating may-ari ng building ng dorm namin. Namatay dahil sa sobrang katandaan. 


Patay malisya lang ako sa presensya niya. Dire-diretso ako naglakad papuntang hagdanan. Nasa second floor lang ang kwarto ko. Kaya hindi mahirap ang magbaba-akyat.


"Sinong naghahanap sa 'kin?" tanong ko sa nagwawalis na caretaker.


Nginuso niya ang labas ng malaking pinto. Tinignan ko 'yon at ang nakatalikod na Ansel ang nakita ko. Napabuntong hininga ako.


Iba rin. Talagang pinuntahan pa ko rito.


Alam kong alam na niya ang Dorm ko, matapos nila kong ihatid no'ng gabing matapos ang program. Ginabi kami no'n dahil na rin sa kaguluhan. Kasalanan ng grupo ni Tope pero ako ang nakagalitan ni Enzo.


Wala naman akong paki sa mga sermon niya dahil naging abala akong intindihin ang gustong sabihin ni Riza sa 'kin.  Sinubukan pa kaming pag-ayusin na parang magkapatid na nagkagalit. Mabuti na lang at kumontra si Shai at Ansel.

When the Bus StopsWhere stories live. Discover now