Chapter 2

1.9K 133 29
                                    


Heavy


Wala ng Riza na nagpapakita or sumusunod sa 'kin. 


Tumawid na siguro siya sa kabilang buhay. 


Pero hindi na tumigil ang ibang kaluluwa na magpakita or magparamdam. Mukang kailangan kong tanggapin na bumalik na naman ang kakayahan ko at pag-aralang wag mag-react sa tuwing may gagawin silang kakaiba na ako lang ang nakakakita.  


Parang itong bata sa ilalim ng lamesa sa kinakainan kong karindirya ngayon. Dumadaan-daan lang siya sa harap ko no'ng una pero ngayon sobrang lapit na niya na para bang nakikipaglaro sa 'kin. Nagpanggap na lang akong hindi siya nakikita kahit kanina pa panay ang silip niya at ngiti kasunod ng paglabas ng dugo sa bibig niya.


"Ang tagal din," reklamo ni Shai bago humatak ng bangko at maupo sa tabi ko.


Hinarap niya ang cellphone at binasa ang message sa group chat nila bago ibaba 'yon sa lamesa.


Natapos nga ang pang-aabala sa 'kin ni Riza, pero hindi pa rin tapos ang pangungulit  sa 'kin ni Shai at Ansel para um-attend ng Program nila. Malinaw ko namang sinabi na a-attend ako pero walang tiwala itong si Shai at talagang nakipagkita pa sa 'kin para sabay daw kaming pupunta. 


Pinagpag niya sandali ang Hijab na may marka pa ng pulbos o face powder. 


Uminom ako ng tubig pero muntik ko ng mabuga 'yon ng makita ko ang batang kanina nasa ilalim ng lamesa, ngayon nasa tabi na ni Shai. 


"Ayos ka lang?" tanong sa 'kin ni Shai.


Tumango ako. Hindi inaalis ang tingin sa bata. 


Tinignan din niya ang tinitignan ko pero dahil wala naman siyang nakikita hinarap lang ulit niya ko. 


Natuwa ang bata sa kanya. Nilapit pa ang muka bago ngumiti ng malapad at lumabas ang malapot na dugo.


Mukang namatay siya sa pagkalason. Payat na payat at sira ang damit. Walang saplot sa paa, na hindi na bago sa mga kaluluwa. Parang sanay na sanay makihalubilo sa mga tao.


Isang batang kalye.


"Sino ba tinitignan mo dyan?" tanong ni Shai.


Umiling lang ako. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone niya kaya do'n nalipat ang atensyon niya. 


Tinignan ko ulit ang bata na ngayon ay nakatingin sa babaeng naglilinis sa kabilang lamesa. Humarap ang babae sa 'kin at bigla na lang umangil na parang galit na pusa ang bata. Lumabas ang maraming dugo hindi lang sa bibig at ilong, kundi pati sa mga mata at tenga niya. 


Bahagya akong naalarma sa itsura niya.


"Order ka pa?" may pagkamasungit na tanong ng babae.

When the Bus StopsWhere stories live. Discover now