CHAPTER 5

244 4 0
                                    

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila. Agad akong dumiretso sa upuan ko at biglang nasira ang araw ko ng makita si Xavier na naka-upo sa tabi no'n.

Napatingin ito sa'kin, kaya agad ko siya inirapan ng bonggang-bongga.

“Feisty!”rinig kong sabi nito at tumawa ng mahina. Ang saya siguro ng umaga niya na makitang nabubwesit ako. Tawa-tawa pa siya na parang walang ginawa kahapon.

Padabog akong umupo sa upuan ko. Hindi nagtagal ay pumasok si Ma'am Jennifer at may announcement daw ito.

“Okay, eyes and ears on me!”she called our attention. The students went silent, may respect pa palang mag e-exist dito? Akala ko kaso wala.

“Hindi ba tuwing opening ng klase nagkakaroon tayo ng intramurals?”
sabi niya kaya nagsitanguan ang mga kaklase ko. Advance ang intrams dito dahil maraming activities every year ang school kaya ginaganap ang intrams tuwing first week ng klase.

“We will having many programs, and every grade level will have their booths. You can choose what booth to stand.”sabi pa nito, it sounds interesting. Although alam ko nanaman ang mga nangyayari tuwing intrams.

“And noong nakaraan grade eleven ang nag pageant sa school. This year is grade twelve ang mag papageant. Every section needs a representative, so we dicide na si Xavier ang pambato natin sa lalaki. Wala pa siyang magiging partner, sino ang pwede sainyo?”tanong ni ma'am. Ang lalaking 'to pala ang pambato, looks palang talo na ibang section.

“May gusto ba sainyong mag volunteer na maging partner ni Mr. Morgan?”tanong ulit ni ma'am, agad na nagsitaas ng kamay ang mga kaklase kong babae, of course papahuli ba si Stacy? Lima lang 'ata kaming hindi nag taas ng kamay, including me and Hera.

“Ma'am, I think I deserve the spot. I'm confident that I have the looks, and I graduated as high honors noong grade ten.”sabi ni Stacy, napaka feelingera.

“Okay, agree ba kayo na si Stacy ang magko-compete sa pageant?”tanong ni Ma'am. Agad naman nagsitanguan ang iba, ang iba naman ay walang magawa kung hindi manghinayang.

“Ikaw Xavier, agree kaba?”tanong ni Ma'am kay Xavier.

“I don't like the idea.”agad niyang sagot, nagsinghapan naman ang mga kaklase ko at medyo napahiya ang mukha ni Stacy. Yeah deserve.

“Then meron kabang gustong maging kapartner?”tanong ni Ma'am.

“I have a person in mind, I want to try her”walang pagalinlangang sagot ni Xavier. Try her? Ano laruan lang ang?

“Can you tell us who is she?”tanong ni Ma'am. Agad na nabuhayan ng loob ang ibang girls dahil sa sinabi ni Ma'am.

“She's right here beside me.”sabi nito na ikinagulat ng lahat maging ako. Baliw ba siya gusto niya maging kapartner ang bintana? Ano 'to, ako ba?

“Ako ba gusto mo kapartner?”malaki ang matang tanong ko. Pinagtitripan niya nanaman ba'ko?

“Are you stupid? May nakikita ka pa bang ibang katabi ko, bukod sayo?”sabi niya at inirapan ako.

“So... Ms. Guinovea, and Mr. Morgan will represent your section!”final na sabi ni Ma'am.

“Ayoko po, Ma'am.”pagprotesta ko at napatayo pa.

“No, you can't protest. You're beautiful and smartest, you'll fit.”sabi nito at tuluyan ng umalis.

Pagkaalis ni Ma'am ay agad na nagbulong-bulongan ang mga kaklase ko. Tinitignan ako ng sobrang sama except kay Hera at sa iba.

“Nababaliw kana ba? Ayoko sumali sabihin mo kay Ma'am 'yon.”inis na sabi ko kay Xavier.

“That's a final decision, you can't change that.”sabi nito at inirapan pa ako ulit. Wow ah? Pogi kana niyan? Pogi naman talaga siya pero nakakainis naman.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now