CHAPTER 7

203 3 0
                                    

“Nagseselos kaba?”pang-aasar ko kay Xavier ng makalabas kami ng mall. Kanina pa siya tahimik tapos naka ismid pa, nakakatawa 'yong mukha niya.

“Masaya ka?”sabi niya at inirapan ako. Natawa ako rito, para siyang batang inagawan ng candy.

“Sana sinabi mong gusto mo palang masubuan, para sinubuan kita kanina.”natatawang sabi ko sakan'ya.

“Pag 'di kapa manahimik may susubuin ka talaga sa'kin.”sabi nito at pinandilatan ako ng mata.

“Ewan ko sayo, mukha kang tanga.”tumatawa paring sabi ko, napipikon na kasi siya.

“Sige tumawa pa,”pikon na sabi niya kaya mas lalo akong natawa.

Nagulat ako ng hilahin niya ako sa madilim na part ng parking lot at tinignan ako ng masama. Galit na siya kaya titigil na'ko.

“Bakit kaba nanghihila? Pikon ka naman masyado.”sabi ko sakan'ya, mas lalo akong nagulat ng hilahin niya ako palapit sakan'ya.

“A-anong g-ginagawa mo? Hoy anoba, wala tayo sa drama ha.”nandidiring sabi ko, pero nakatitig lang siya sa'kin.

“You know I just realized something.” he said and pushed me a little. Naramdaman ko nalang na nasa pader na'ko pero nakatingin parin siya sa'kin.

“Maganda ka pala talaga, Mira. You're became more prettier when you smile, and laugh.”hinawi niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso at ayoko ko nitong nararamdaman ko.

“J-joke lang naman 'yon, hindi mo kailangan mag joke pabalik.”aniko at kinagat ang ibabang labi.

“Who said that I'm joking? Alam mo ba sa ganda mo...”anito at biglang lumapit at bumulong. “gusto kitang halikan.”sabi niya kaya bigla ko siyang naitulak.

“Bastos ka talaga!”sigaw ko at habang namumula ang mukha. Nauna ako maglakad at rinig ko pa ang halakhak niya

“Ngayon ikaw 'yong pikon, why aren't you laughing anymore?”sigaw niya at siya naman 'yong tumawa. His laugh sounds annoying kaya sinabunutan ko siya.

“What the fuck, stop it, masakit.”sabi nito habang hinihimas ang buhok niyang sinabunutan ko. Kanina niya pa'ko tinatawanan kaya sinabunutan ko na. Nakakainis eh.

“Isang tawa pa Morgan, puputulin ko yang kaligayahan mo.”pagbabanta ko na ikinasimangot nito.

“No way! Gusto ko pa ng anak kay Alliana.”sabi nito na ikinatahimik ko maging dito ba naman, kadiri!

“Asa kapa, uwi na tayo.”sabi ko at binangga ito sa balikat at naglakad tungo sa sasakyan niya.

Nang makauwi ako ay agad akong dumiretso sa kwarto, tapos na naman kaming kumain. Tutulog nalang ulit ako, kailangan ko pang maghanda para bukas.

KINAUMAGAHAN AY nagising ako sa tunog ng alarm clock. Agad ko itong pinatay at bumangon. It's already five-thirty in the morning and I need to prepare my self.

Nagsimula akong maligo at nagbihis ng white racerback top at flare jeans. Pinatungan ko rin ng button down ang suot kong racerback at nag suot ng white sneakers. I'll just bring my mini white corduroy bag. Sa school pa naman kami mag-aayos kaya ito muna ang susuotin ko.

Bumaba ako sa hagdan at kumain ng almusal kasama si Esme dahil tulog pa daw si mommy.

“Ano booth niyo?”mataray na tanong nito.

“Matalino ka nama, ba't'di mo hnulaan.”sabi ko at inirapan ito.

“Magback-out ka nalang, alam ko namang sa mukha palang talo kana.” pang-iinsulto niya na hindi ko naman pinansin. Hindi niya lang matanggap na mas maganda ako.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now