CHAPTER 20

238 4 0
                                    

Maganda siya pero ayaw kong mag suot ng mga ganito ka mahal. Baka bigla akong ma snatch tapos sayang lang.

“Pahiram ng pera, Ma! I'll buy this.”sabi ni Keirson kay Tita.

“Hindi ka naman nag babayad e.”sabi ni Keiron sa kakambal.

“Ikaw talaga brother, grabe ka sa kakambal mo. Alam ko na pinag kaiba natin.”sabi ni Keirson.

“And what is that?”tanong ni Keiron.

“Mas gwapo ako kaysa sayo.”sabi ni Keirson at inakbayan ang kakambal niya.

“Stupid, we look like each other!”sabi ni Keiron na ikinalaki ng mata ko.

Hala 'tong batang 'to ang galing mag mura. Akala ko hindi siya gumaganon, akala ko lang pala.

“Tumigil na kayo, at ikaw kunin mo na ang gusto mo para makauwi na tayo.”sabi ni Tita sa lalaki.

“Iyan ang gusto ko, ang ganda talaga ng ina natin.”sabi niya at nakangising kinuha ang kwentas.

Naiiling nalang si Tita sa pagiging baliw ng anak niya. But I can't deny na mabait talaga sila pag dating sa nanay nila.

Umuwi rin kami agad at nag pahinga. Tatlong araw lang naman kami rito kaya lulubusin ko na. Pupunta sana kaming Eiffel Tower kinaumagahan kaso nag text na may emergency raw sa kompanya namin.

Naunang umuwi si Mommy at sumama rin si Tita. Kami nalang ang natira rito, pero wala namang problema dahil marunong naman kaming umuwi.

“Do you still want to go in Eiffel Tower?”tanong samin ni Javier.

“Mag ka-club ako, kayo nalang.”sabi ni Keirson.

“No girls, Keirson,”nagbabantang saad ni Javier. “Subukan mong umuwi ng lasing, kukunin ko lahat ng gamit mo.”dag-dag pa ni Javier.

“Sabi ko nga pupunta tayo sa tower, Sino ba nag sabing mag ka-club tayo? Ikaw ba 'yon kuya?”sabi niya at binalingan si Larsen.

“Shut-up, you're freaking lame!”sabi ni Larsen at mahinang tinulak ang kapatid.

“How about you, do you have have any suggestion?”tanong naman ni Javier kay Xavier.

“Kahit saan niyo gusto.”bored niyang sagot.

“Okay, let's go to the tower.”sabi ni Javier at iniwan kami.

Nag bihis muna ako at nag suot ng makapal na damit. Gabi na kasi, mas malamig dito tuwing gabi.

Nag pahatid kami sa bus dito, ang cool lang kasi ang laki. Nilakad nalang namin ang ilang metro papunta sa tower.

Ang ganda talaga sobrang ganda as in. Parang gusto ko nalang maiwan dito.

“Ang ganda talaga rito, sobrang ganda!”sabi ko at namamanghang nakatingin sa tower.

“Sobrang ganda nga.”rinig kong saad ni Xavier kaya tinignan ko siya.

Agad naman itong nag-iwas ng tingin at tumingin sa tower. Napangiti ako sa naging galaw niya, ang cute niya talaga minsan.

Nag-paalam sina Esme na may bibilhin daw sila, pumayag naman ako kasi kasama nila si Larsen at Keiron. Malapit lang naman daw at babalik din sila agad.

Noong mapagod kami kakatayo ay umupo kami sa damuhan ni Xavier. Umalis si Javier at si Keirson ay hindi namin alam.

Maraming nag pipick-nick dito, maganda sigurong gawin 'to kasama buong pamilya.

“What are you thinking, hmm?”tanong ni Xavier kaya napatingin ako sakan'ya.

“Gusto ko ring mag pick-nick dito kasama ang pamilya ko sa hinaharap. Maganda siguro 'yon 'no? Parang ang saya lang.”sabi ko at nginitian siya.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now