CHAPTER 28

334 8 9
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa garden habang nasa tabi ko nakaupo si Shana. Hindi ko alam kung nasaan si Ethan at Edward.

"Am I that bad? I just slapped him."sabi ko at tumingin kay Shana.

"May kasalanan din naman siya eh kaya valid iyong galit mo. Pero mali paring nanampal ka."sabi niya kaya tumango ako. Mali ko naman talaga iyon eh at inaamin ko iyon. Kaya hinihintay ko si Ethan para humingi ng tawad.

"Andiyan na sila."saad ni Shana kaya napatingin din ako doon.

Naglalakad sina Edward at Ethan papalapit sa pwesto namin. Agad akong napatingin kay Ethan na hindi makatingin sa pwesto ko.

"Pasok na tayo sa loob."sabi ni Edward sa'min.

"Ethan usap muna tayo, please?"
pakiusap ko kaya dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa'kin.

Tumango lang siya kaya nauna ng bumalik sa dorm sina Shana at Edward. Agad na humarap sa'kin si Ethan at seryuso akong tinignan.

"Ethan, I'm sorry."panimula ko. "I should have not slap you. I'm really sorry."sabi ko sakan'ya.

"It's okay, Mira. May kasalanan din ako kasi masyado akong nang
hihimasok."sabi niya pero umiling ako.

"You're just concerned as my friend. Sana huwag na ulit tayong mag-away? Hindi ko kasi kaya kapag nag-aaway tayo."sabi ko kaya tumango ito.

"Okay... Let's get inside. May pasok pa tayo bukas."sabi niya at pinapasok na ako sa loob.

Nakatulog ako ng mahimbing noong gabing iyon. Pero kinabukasan ay parang bigla akong sinabuyan ng malamig na tubig ng maka tanggap ako ng tawag galing kay Esme.

"Hello?"tawag ko sa kabilang linya.

"A-ate? A-ate s-si mommy..."nangunot ang noo ko ng mapagtantong umiiyak ito.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari kay mommy?"nag-aalalang tanong ko.

"Ate... naaksidente siya! H-hindi ko alam ang gagawin ko rito."mas lalong lumakas ang iyak niya.

Agad akong napaupo at nanginginig ang kamay na nakahawak sa cellphone ko.

"Okay lang naman siya hindi ba? Please tell me she's okay."saad ko habang pilit na hinahawakan ang cellphone dahil parang malalaglag ito sa sobrang panginginig ko.

"M-maraming d-dugo... maraming dugo A-ate... Natatakot ako."sabi niya. Agad na nagsiunahan ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Uuwi ako okay? Uuwi ako hintayin niyo ako."sabi ko at dali-daling ipinasok ang mga damit sa maleta.

Meron akong naitabing pera galing sa trabaho ko rito. Agad akong nagbook ng flight. Nanginginig ang katawan ko habang nagliligpit ng mga gamit ko.

"What are you doing, bakit ka nagiimpake?"nagtatakang tanong ni Shana.

"Naaksidente ang mommy ko. Kailangan ko umuwi sa pilipinas."saad ko habang wala sa sariling nagiimpake.

"Pero may pasok pa tayo, Mira."saad nito.

"Uunahin ko pa ba 'yan kaysa sa buhay ng nanay ko? Hindi ko kayang pabayaan ang pamilya ko roon. Hindi kaya ni Esme mag-isa. Kailangan kong umuwi."sabi ko at binitbit ang bag palabas.

"Mira saan ka pupunta?"takang tanong ni Edward.

"Please kayo nalang mag paliwanag kay Mr. Vósk. Kailangan ko talagang umuwi."sabi ko at lumabas ng dorm.

"We have a private jet here. Sasamahan kita."saad ni Ethan na nakasunod na pala sa'kin.

"Pero Ethan may responsibilidad karin dito. Hindi mo kailangan gawin ang bagay iyon."sabi ko pero umiling lang siya.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant