Ganoon na lang ba talaga?

27 0 0
                                    

Ganoon na lang ba talaga?
Ganoon ba kadali sa 'yong palitan ako?
Para ka lang yatang bumili ng yelo
Para ka lang yatang lumunok ng tubig?
Bakit ang dali sa 'yong patirin ang uhaw sa pag-asang hindi ko mapatid?

Ganoon na lang ba talaga?
Hingang malalim, mahal baka nabigla ka lang niya
Baka naman puwede pang magawan ng paraan ang pagbitaw mo sa taling patuloy kong kinakapitan?
Baka naman,
Baka naman kaya pa. . .

Pwede namang ibaon sa limot ang lahat kung nais mo
Narito lang ako kung sakaling mapagtanto mong ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya'y hindi naman talaga totoo

Pero, mahal ganoon na lang ba talaga?
Kay dali mo namang maisip na kalimutan ako gayung ako'y hirap iyong magawa
Pero ika nila ang pagmamahal ay hindi ipinipilit
Pero sa akin hindi iyon uubra
Gugustohin pa rin kita kahit ang sakit
sakit na





—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now