Nakakalito, Nalilito tayo

21 0 0
                                    

Nakakalito, nalilito tayo
Bakit sa  tuwing  nagtatagpo ang mga mata'y bakas dito ang mga tanong na "Kilala ba kita? Kilala mo ba 'ko?"
Nalilito ako, nakakalito tayo

Paano kung lapitan ka?
Paano kung hawakan ko o takpan man lang ang iyong mga mata?
Paano kung hahayaan kitang pumikit at isipin nang mabuti kung kailan mo talaga ako unang nakita?
Maaalala mo ba?

Nakakalito, nalilito tayo
Hindi ko batid ngunit kabaliktaran ng gusto kitang malapitan ngunit takot na malapit sa 'yo
Sa tuwing nagkakasalubong ay itinutulak ng katawan na lumiko sa kabilang dako
Nakakalito, nalilito tayo

Bakas ang tanong sa iyong mga mata
Mga tanong na hindi ko masagot kahit ipilit pa
Sapagkat nakakalito, nalilito tayo
Sa pagdating ng araw ay saka mo mapapagtanto
Kung bakit hindi kailanman tayo
Naging magkapareho

Ngunit isang bagay, isang bagay ang tiyak na alam ko
Ilang linggo na lamang ay tuluyan nang magkakalayo


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now