Kung Maaari

21 0 0
                                    

Kung bakit ba kasi masyadong malayo ang agwat natin sa isa't-isa
Hindi sa idad ngunit sa mataas na istado ng buhay kung saan naroon ka!
Nais kong sumigaw
Magwala at manira ng bagay!
Bakit sa dinami-dami ng pag-asa ay sa pag-ibig ay sa akin hindi iyon kayang ibigay?!

Kung maaari
Kung maaari lamang
Ayain akong maisayaw sa huling gabi ng pagkikita
Sabihin sa akin ang lahat ng nais sabihin bago tuluyang tumigil ang laro ng tadhana
Hindi nito tayo hahayaan
Alam nating dalawa

Ngunit hindi ba ang aking maloloko?
Humihiling ako hindi sa bituin kundi sa bitak-bitak na bato
Sa tingin mo ba'y hahayaan nito tayo?
O ako dahil hindi naman batid kung alam mo

Kung maaari
Kung maaari lamang
Sa pagtatapos ng gabing darating
Nais kong tuluyan kang kalimutan



—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang