Tieda Kalye

19 1 0
                                    

Ingay at gulo ng paligid
Halos hindi na nga marinig ang tinig ng iyong boses
Maraming nakaharang ngunit pilit inaabot ang iyong tingin
May tao sa iyong harapan habang ika'y nakangiti

Pilit inaabot ang sukli
Bibili ka ba uli at nang mapalitan ang tinderang nag-aasekaso?
Tienda Kalye
Oh kay saya at kay pagod din
Ngunit kung ang iyong maamong mukha ang siyang maaabot ng tingin
Pagod ay hindi pansin
Pawis lamang 'yan, may anghel mula sa langit na kumikinang sa aking paningin

Tienda Kalye
Ito na ang huli
At siya nga pala
Maaari ka banh maisayaw sa tuluyang pagtatapos ng sekondarya?

Tienda Kalye
Hanggang sa muli nating pagkikita

-sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now