34

14 2 0
                                    

MAAARI BA?

Maaari ba?
Na ikaw ay magpakilala?
Nais ko lamang makita
Kung tadhana ba natin ay tugma

Maaari ba?
Na makausap ka
Nais ko lamang na matanong sana
Ang mga bagay na interesado ka.

Maaari ba?
Na mayapos ka't mahagkan
Hindi dahil sa gusto ko lang
Kundi nais ko lang maramdaman
Ang tunay na kapayapaan.

Maaari ba?
Na mahalin kita?
Hayaan mo sanang maparamdam ko ito sa iyo sa twina
Huwag ka na ring mag-alinlangan pa
Sasabayan kita sa hirap at ginhawa.

Maaari ba ako na lang.
Kaya kitang damayan
Lalo na sa gabing malamlam
At sa mga araw na dadaan.

Maaari ba ang maaari?
Sana'y mapansin mo ang aking pagdadalamhati.
Nawa'y tumugon ka naman kahit kaunti
Huwag lang ang salitang pasensiya, binibini

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now