49

7 2 0
                                    

ANG NOLI ME TANGERE

Nabasa ko ba?
Nabasa ba kita?
Marahil ay oo
Marahil ay hindi.

Simula't sapul batid ko
Na wala sa nais kong buklatin ang libro
Kumakahog na nga ang alikabok sa tuktok nito
Pati anay ay nagdiriwang na rito.

Bakit ko pa napansin ang aklat na ito?
Bakit bigla itong tumama sa kamay ko
Marahil sa likod nito ay may lihim
Ang lihim na sana'y matagal ko nang pinansin.

Hindi naman ako nakaramdaman ng takot,
Matapos hawakan ang aklat na maalikabok
Hindi rin ako sumaya
At ang puso ko'y hindi kumahog sa kaba.

Napaisip ako't napatingala sa kawalan
Kung bubuksan ko ba ito'y ano ang aking kahihintnan?
Madadala ba ako nito sa nakaraan
O mananatili na lamang ako rito sa kasalukuyan?

Subalit, tila may mali.
Hindi ba't ang aklat na ito'y matagal nang ibinunyi
Kataka-takang muling binuhay
Matapos ng kinasasadlakan sa putik na huway.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now