66

6 2 0
                                    


KAPE

Sa bawat dalawang takal ng tamis
Alam kong malayo tayo sa hinagpis
Sa bawat isang takal ng pait
Alam kong hindi ako makararamdam ng sakit.

Pakiusap ko lamang...

Na huwag mong sobrahan ng isang takal.
Sapagkat ang pangarap natin ay unti-unting malulusaw.
Saktong init lamang ang aking nais
Nang lumubog ang pait at tamis.

Pagkatapos nito'y gamitin mo ang kutsara.
Paikutin mo ito nang buong tapang sinta.
Dapat tama ang direksyon ng iyong paghalo
Sapagkat mahirap na kung mapunta ka sa maling tao.

Lagyan mo ng mainit na kape ang kutsara
Tikman mo ito, nang malaman mo ang tamis ng pagmamahalan natin sinta.
Inaasahan kong ngingiti ka matapos mo itong tikman
Inaasahan kong hindi ka na muling magdadagdag pa ng karagdagan.

Subalit bakit ikaw ay nagtakal ulit?
Ang tamis ba'y nilalamon na ng pait?
Marahil ang pag-iibigan natin ay pumapakla.
At hinahanap mo ang ngayon ang tamis na aking dating tinitimpla.

Hinawakan ko ang tasa.
Unti-unti nang lumalamig ang ating tinimpla.
Totoo bang nagsasawa ka na?
Dahil ang dating tamis ay hindi ko maibigay pa.

Muli kitang hinayaan na magtimpla ng kape.
At kakaiba na ang lasa nito kumpara sa dati.
Hanggang ngayon ay hindi ko malaman.
Ang tamang timpla ng ating samahan.

Ang dating isang takal ng pait?
Ay naging isang libong sakit
Ang dating dalawang takal ng tamis
Ay isang galong pagtangis.

Marahil ay tanggap ko na.
Na hindi na ako ang kapeng hinahanap mo hindi ba?
Hindi ko na ipagpipilitan pa
Na ipanumbalik ang kapeng mainit na ngayon ay malamig na.

Subalit nais kong sabihin....

Na sa bawat paghigop ko
Ikaw ang naiisip ko.
Sa bawat pagsimsim ko
Ikaw pa rin hanggang dulo

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now