65

5 2 0
                                    


TALA

Nais kong maging isang bituin
Nang lahat ng tao ay sa'kin nakatingin
Nais kong maging kasing kinang ng mga tala
Nang kagandahan ko'y kanilang makabisa.

Ang tala nga ba'y isang kilala?
Na sinusungkit para sa madla
Ang tala nga ba'y isang pangitain
Upang makita ang tunay na hangarin.

Paano ba ako magiging si tala
Paano ba ako magiging kasing kinang niya.
Nais ko rin na ako ay sungkitin
Nais ko rin na ako ay pangarapin.

Batid kong malabong mangyari ang aking pantasya.
Sapagkat kailanman ay hindi ako magiging si Tala 
Ngunit bakit hindi ko subukan?
Bakit hindi ko ipagpilitan.

Kung magagawa ko ba iyon,
Ano ang aking sasapitin.
Magtatagal ba ang kinang ko sa bawat panahon?
O mawawalan ako ng kinang sa ngayon.

Marahil ay hindi tama,
Na pangarapin kong maging kasing kinang ni tala.
Marahil ay isang kabulaanan,
Na kalabanin ko ang kinang sa kaitasan.

Batid kong wala akong laban.
Kinang pa lang niya'y hindi ko na kayang tapatan.
Subalit sisikapin kong maging si Tala.
Hanggang masungkit ko ang sa aking nakatadhna.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now