Chapter 1: Fallen Vampires

6 0 0
                                    

Kabanata 1

"Alicia! Pakibantayan naman si Nathalie at Nathan oh, may business trip kami ng asawa ko mga 3 days. Eto allowance at tawagan mo ako pag may kailangan ka pa." Sabi ni Tita Hershey o mas kilala sa tawag na Mrs. Vuitton at inabot sakin ang 10k na pera.

Sya ang amo ko at umampon sakin simula bata ako, bata pa lang ako hindi ko na kilala ang magulang ko at sinabi sakin ni tita Hershey na inampon nya lang ako.

Pinaaral nya ako hanggang 2nd year college pero di na kinaya ng utak ko kaya tumigil ako at nagdecide na maging katulong na lang at nagkataong 5 yrs old na sila Nathalie at Nathan noon nang alukin ako ni Tita Hershey na ako na lang ang mag alaga ng mga anak nya. Pumayag ako dahil komportable ako sa trabahong iyon at malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

"Sige tita, nag almusal na po ba sila Nath at Nathan? Ipagluluto ko po sila kung hindi pa."

Nasa sala kami ngayon dahil dito ako natutulog sa sala nila palagi para tipid at nag iipon ako.

"Nasa room pa nila at tulog, anyway you should always take a proper hygiene Alicia pansin ko halos alternate ka lang maligo kada linggo. Magkakabad odor ka nyan sige ka." Pang aasar pa nito sakin.

Anlamig kasi ng tubig! Nakakatamad naman talaga maligo.

"Oo na tita, yan ka na naman eh! Sige ingat kayo ni Kuya Derrick!"

Pumunta ako sa hamba ng pintuan at tinanaw syang sumakay sa kotse ni kuya Derrick, ang kanyang asawa. Kumaway pa ito bago pumasok at umalis. Isinara ko ang gate ng matapos sila.

Nagluluto na ako mg almusal ng mga bata ng biglang pumasok sa bahay ang matalik kong kaibigan na si Angeline.

"Good morning world! Alicia makikikain ako ha?" Nauna pa itong umupo sa dining table at kumuha ng pancake.

Agad ko namang nahampas ang kamay ng lintiang babaeng ito at ikinaaray nya. Hmm, serves you right.

"Aray naman!"

"Mga bata muna kakain, agang aga nandito ka kaagad." Pananaway ko.

Actually pinsan nya si tita Hershey kaya naman easy na makapasok sya dito at halos kasing edad ko lang din.

"Makikialmusal lang e, damot mo Alicia. By the way, hindi ka na ba talaga papasok? Sayang naman kasi." Kinain na nito ang hotdog na niluto ko.

Tingnan mo at napakawalang hiya talaga akala mo hindi magiging doctor pag dating ng panahon.

"Sayang ka dyan, eh halos hindi ko nga matukoy pangarap ko at tingnan mo naman grades ko lagi ko na lang pinapaskil sa kisame para tumaas."

Natawa naman ito sa sinambit ko, totoo yan mababa lagi ang grades ko sa di malamang dahilan. Ewan ko ba kung may galit ang mga prof sakin o ano pero tama lang din naman kasi hindi naman ako matalinong tao, maganda lang ganon.

"Ate Isiah!"
"Kakaen!!"

Narinig ko na ang mga bata kaya naman ay dinaluhan ko na sila sa sala pero bago yon nilingon ko muna si Angge na kumakain at pinaningkitan ng mata.

"Oo na hindi ko uubusin grabe ka naman saken!" Saad nito ng mapansin ang titig ko.

Tatawa tawa na lang ako ng makalabas ng dining area at pumunta sa kambal na nasa sala.

"Good morning kambal, take a bath first before we eat."

Good thing masunurin ang kambal at napaliguan ko muna sila bago kumain. Nasa dining area na kami ng magkulitan na naman ang dalawa.

"Ate Isiah, punta tayo sa Bridge please?" sabi ni Nathalie with pretty please pa.

"Tara ate dali naaa." Pangungulit naman ni Nathan.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now