Chapter 4: Special Power

3 0 0
                                    

Kabanata 4

Yung totoo? Kung tao lang siguro kami baka lantutay na kami sa pagod, ang haba kasi ng dinadaanan namin at ang ginagawa lang namin ay normal na lakad! Halos ilang oras na kami naglalakad!

Mataman kong tiningnan si Kelvin, tama he seems familiar hindi ko lang matukoy kung saan ko sya nakita or nagkita na ba talaga kami. Pero sa kanya na mismo nanggaling yung 'nice to meet you again!'

"Psst, Kel." Tawag ko dito.

Hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito sakin.

"Ha?" Kaswal nitong sabi.

"Nagkit—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang sabihin nito ang pang asar na words sa mundo nang mga tao.

"Hakdog HAHAHAHAHHA."

Nagrinig ko ang iilan na napatawa dahil sa sinabi ni Kelvin. Napairap na lamang ako sa inis, hindi talaga makakausap ang kagaya nila bukod sa intimidating sila, parang ang hirap pa i-approach.

"T*ngina naman neto." I almost whispered.

"Ha? May sinasabi ka?" Sabay pakita ni Yoshiro ng apoy sa palad na ikinatakot ko.

"A-ah hehe wala boss, sabi ko nga ang babait nyo, luluhuran po boss."

Ayoko pa matusta! Gusto ko pa umuwi sa mundo ko! Pero hindi naman daw talaga ako tao, sige hahanapin ko na lang ang magulang ko at bakit nila ako pinadala sa mundo ng tao kung bampira naman talaga ako.

"Stop it guys, nakakarindi kayo." Maarteng sabi ni Mine.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad, hawak lang ni Hence ang kadena na nakabalot sa kamay ko.

"Arte netong babaeng to, kaya walang nagkakagusto sayo sa academy eh." Asik ni Kelvin at humagalpak ng tawa.

"Pfft." I almost laugh pero pinigilan ko yon lalo na nang makita ko ang itsura ni Mine kung gaano ito kagalit.

"How dare you Kelvin Ashton! Atleast im pretty eh ikaw? You look like a garbage plus points that girls doesn't even like you bleeh." Parang bata lumaban si Mine. Lumapat naman ang paningin ni Mine sakin na ikinatigil ko sa pagtawa.

"Happy now, die later. Magpakasaya ka lang, mamaya naman paparusahan kana." She told me and rolled her eyes.

Hindi ba sya napapagod kakairap? kulang na lang palitan nya yung mga white lady na napossesed sa horror movie e.

Mine is like a cute type of girl, she's also maldita based on her personality.  She look like a kpop idol in our world.

"Stop looking at me! Nakakairita kaya." She said when we are walking and she noticed that i stared at her.

Malayo layo ang nilakad namin na palagay ko ay inabot ng 3 oras, hanggang sa matanaw namin ang isang kweba. Pumasok kami doon at nakita ang iilang mga kurtina na nagsisilbing harang. Alam kong imposibleng mangyari to pero paghawi namin ng kurtina ay tumambad samin ang yelong pader na nagsisilbing pader at maayos na floor nitong kweba, kaya hindi mo ito mapapagkamalang kweba, parang natural lang na bahay mula sa gilid at flooring.

"Guys we're here!" Sigaw ni Yoshiro.

Maya maya ay lumabas ang isang magandang babae at mukhang nagulat pa ito sa akin.

"K-kamusta ang mission g— oh my god! She's my savior guys!" She exaggerated said and lean on me. She freed me from the chain in my hands.

"Parang nakita na kita dati." Nakakunot kong saad. Ngumiti sya sakin at hinila ako sa upuan.

"Ofcourse you see me before! You save me last time we see, maybe you didn't remember because Stephen erase that night memory but i swear! I'm really thankful for that." Kinuha nya ang braso ko at sinandal ang sarili nya don.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now