Chapter 2: Lost Memories

5 0 0
                                    

Kabanata 2

Madaling araw na nang magising ako sa aking kwarto, triny kong alalahanin ang nangyari kahapon pero nakakapagtakang wala akong maalala, pero di bale sasamahan ko pala sila nanay Helen mangaso.

Nakasuot lamang ako ng medieval old dress at mayroon akong kutsilyo sa hita nakatago. At ang mga iilang kakailanganin ko pero nakakapagtakang pagbaba ko ay wala silang mga gamit.

"Magandang umaga ate Ali!"

"Good Morning, Sandy."

Napansin naman nila ang dala kong itak sa bewang ko. Napakunot din sila sa words ko, nga pala di sila nakakaintindi ng English.

"Hindi mo kailangan yan Alicia, sa abilidad na meron tayo kayang kaya natin kumitil gamit ang mga kamay at mahahabang daliri." Paliwanag ni Nanay Helen na ikinapahiya ko.

Hays, oo nga pala bampira ako bakit di ko naisip yon?

"Ay pasensya na po at nakalimutan ko." Inibaba ko na ang itak pero hindi ko inalis ang maliit na kutsilyo sa hita ko, tago iyon at walang makakakita.

"Ano yung gud morning ate Ali?" pangungulit ni Sandy na ikinatawa ng mama nya.

"Maganda umaga ang ibig sabihin non, Sandy. Gusto mo turuan kita ng wikang inggles?" Mukhang interesado ang bata at agad na lumapit sakin at kumapit sa braso ko.

"Talaga po, ate?"

"Oo naman, gusto mo mamayang hapon turuan kita?"

Natigil na lang ang kulitan namin nang napasinghap si Nanay Helen at lumabas na.

"Oh sya tara na at baka maubusan tayo ng usa nyan."

Sumunod naman kami sa kaniya at nagtungo sa kagubatan. Mabilis lang namin natunton ang gubat dahil sa bilis na taglay ng mga kagaya namin, hindi na din ako nagulat sa bilis ko at nasasanay na.

Tama nga ang hinala ko, 14 taong gulang na si Salemn at si Sandy naman ay 8 yrs old. Si Salemn ay kasing tangkad ko lang, pero hindi ako pandak ha! Sadyang matangkad lang siya.

"Kapag kailangan mo ng tulong ate magsabi ka lang." Ngingiti ngiting sambit ni Salemn bago humiwalay samin.

Samantalang kami ni nanay Helen at Sandy ay tinuturuan pa ni nanay Helen kung paano manghuli ng usa at binigyan nya din kami ng tips.

"Eto dito nyo ilalagay ang dugong makukuha nyo, pasensya na at kinakailangan pa naten mangaso para sa iinumin nating dugo masyadong mahal ang nasa pamilihang bayan. Hayaan nyo at pag nakaipon ulit, bibili tayo ng masarap na dugo."

It sounds weird but i honestly thought that it wasn't bad pala, akala ko nung una masusuka suka pa ako pero nasanay na ako sa environment nila dito, it was nice actually.

"Ayos lang po iyon nanay Helen, mauuna na po ako i think ah este sa tingin ko po ay kaya ko na dito dito na lang po tayo magkita kapag tapos na po tayo. Bye po."

Nauna na ako at lumayo sa kanila, actually di mo na kailangan mangaso kung may pera slash pilak ka dahil maaari ka namang bumili sa bayan. Pero dahil nga napakababa nang antas ni nanay Helen ay ganito lang.

Napagpasyahan kong huminto sa isang sanga ng puno at mag antay na lang nang mabibiktimang hayop. Maya maya ay may naramdaman akong kaluskos sa silangang bahagi ng kinaroroonan ko kaya dali dali ko itong pinakiramdaman at tama nga ako meron ditong usa, agad akong dahan dahan na bumaba sa puno at nagtago sa damuhan at agad ko itong nahuli, gotcha!

At sa hindi malamang dahilan ay may kung anong sumapi sakin at nang inataki ko ang usa ay nagutom ako. Nawasak ko ang tiyan ng usa at kinain ang iilang laman noon.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now