Chapter 7: Childhood Sweetheart's

1 0 0
                                    

Kabanata 7

Hindi kayo maniniwala sa nangyari huhu, akala ko 2v2 ganap kaya ipinagpartner kaya akala ko may advantage na ako dahil si Stephen yung tipong pagkakampi mo parang safe at mananalo kayo i mean he had the authority right? Kaso kaya pala kami ipinagpartner is para kami yung mag 1v1.

"Tsk why would they give me a weak opponent?" He whispered.

Magkatapat kaming dalawa at pinapalibutan ng mga kaklase namin. Kami ang last na maglalaban since kami ang huling pinagpartner. Lahat sila ay abang na abang, malaki itong arena kung nasaan kami at masasabi kong kawawa ako dito dahil baguhan lang ako huhu.

"Daming dada." Bulong ko na lamang.

Pampalubag loob na din, nakakainis tong lalaking to. What if matalo sya sa weak na kagaya ko? Hmm... No ones know.

"Isa...."

"Dalawa...."

"Tatlo..... Go!"

Agad akong tumakbo para maiwasan ang mabilisan nyang pag atake.

"Running away scared cat?" Sabi nya sa nanunudyong paraan at pumunta ulit sa direksyon ko, agad ulit akong tumakbo.

I need to think right, talino ang kailangan ko ngayon dahil kung lakas ang usapan talo ako. Dahil sa pag iisip na iyon, hindi ko na nasundan ang galaw nya, tumalon sya ng mataas at hindi ko halos makita kung saan sya lumapag pero naramdaman ako sa likod ko kaya umupo ako at triny na patidin ang mga paa nya kaso tumalon sya paatras kaya mabilis nya din ito naiiwasan.

"Nice try huh?" Asik nya at biglang nawala ulit, wala naman syang invisibility power pero ang bilis nya lang talagang kumilos!

Tumakbo ulit ako ng mabilis, need nya lang mapagod. Pagkatapos nun ako na ang bahala, ayoko matalo.

"Ganyan kana lang ba? Paano kung may kalaban, tatakbo ka lang? Hindi ka mabubuhay pag ginawa mo yan." Saad nya. Nag e-echo ito sa buong stage.

Nagulat na lang ako sa nangyari dahil bigla akong napahinto sa pagtakbo nang may maramdaman akong sumasakal sakin. Halos mamatay ako dito, napakahigpit... ang sakit.

"Hindi mo ko matatakasan." Galit na sabi nya.

Agad ko siyang siniko at triny sipain hanggang kaya ko pa kaso walang talab, para lang akong teddy bear na sinasakal nya. Agad akong may naisip na katangahan, i swing both of my feet to hit his ace and boom!

"Ugh! This w-woman!" Masamang titig ang iginawad nya sakin at halos maubo ako noong tumalsik ako sa floor.

Tumayo ako at tumakbo ulit kaso hindi pa ako nakakalayo nang maabutan nya ako. A high level force push me in the side of this stage, halos masira ang pader dahil sa pagkakatulak sakin ni Stephen. Pumunta ito sa harap ko at binigyan ako ng titig na kahit kailan ay hindi ko papangaraping makita ulit.

"You can't running away from me, remember that." He said.

Napaupo na lamang ako at napasandal sa pader. Ang sakit, may mga ilang sugat pa ako pero agad din iyong naghilom ang galing!

Paalis na sya at sya ang nanalo, lumingon ito sakin at napailing bago tuluyan nawala sa paningin ko.

"Humina sya kumpara sa dati, bakit kasi nagbalik pa sya."

Hindi ko na naintindihan ang sinasabi nya dahil sa pag aasikaso ko sa sarili ko. Dinaluhan naman ako ni Azy at pinatayo.

"Ang harsh talaga nung gagong iyon! Tara na nga Ali, next time talunin mo sya haha look at his face kanina when you hit his card. You are the first one who hit him, halos lahat ng nakakalaban nya wala pang nakakahawak sa kanya kasi napapatumba nya agad."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now