The Third Summer

7 1 0
                                    

A/N: This used to be a stand-alone one shot story, together with other one-shot stories. Moving forward, I'll transfer it here. Thank you. This was written way back in 2015.


Tatlong taon.

Tatlong taon na nauwi lang sa wala. Tatlong taong nagsumikap, nangarap, at umasa, ngunit sa huli ay bigo pa rin.

Ganito na ang naging buhay ni Sophia. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang siya'y nagtapos ng kolehiyo sa kursong BS Nursing. Nag-aral siya pagkatapos para sa Nursing Board Exam, ngunit di siya nakapasa. Sinubukan ulit niyang mag-retake, ngunit ganoon din ang nangyari.

Masisisi ba siya sa mga pangyayaring iyon, eh napilitan lang siyang kumuha ng nasabing kurso? Tinupad lang niya ang pangarap ng nanay niya para sa kanya.

Mag-nursing ka, para pagka-graduate mo, susunod ka na sa Tita mong nurse sa Dubai. Maganda kita doon.

Pumayag naman si Sophia sa kagustuhan ng ina, labag man sa kalooban niya. Di rin siya sigurado sa kung ano talaga gusto niyang kunin sa kolehiyo, kaya nauwi siya sa pag-nu-nursing. At ang pagiging masunurin niya ang dahilan kung bakit nagkanda-sira-sira ang buhay niya. Masyadong mapilit at dominante ang nanay niya, at siya naman ay duwag at walang lakas ng loob para ipaglaban ang gusto niya. Sana nandito pa ang ama niya para ipagtanggol siya. Ngunit sila na lang ng nanay niya ang magkaagapay sa buhay.

Huli silang nag-away tatlong taon na ang nakaraan, nang matanggal si Sophia sa pinapasukan niyang trabaho bilang fast food crew. Dalawang buwan lang siya nagtagal, at pinaalis siya dahil sa palpakin niyang trabaho. Inabot ng mura si Sophia nang masabi niya sa ina ang pangyayari.

"Kahit kailan ay palpak ka!"

"Kasalanan mo ito Ma! Kaya ako naging palpakin ay kagagawan mo rin!"

"Sophia, kung nagsumikap ka lang sana--"

"Ma, buong buhay ko, ginawa ko lahat ng gusto mo! Pasensiya na kung nagkaganito, dahil ang totoo, ayokong maging nurse!"

"Eh kasi, boba ka! Inutil!"

Tumulo ang mga luha ni Sophia sa kanyang mga mata. "Ma, anak mo ba ako talaga? Parang hindi mo ako anak dahil di mo matanggap na nabigo ako. Patawad kung boba ako at inutil."

Iyon na ang huli nilang pag-uusap. Nang gabing iyon ay nag-alsa balutan si Sophia at palihim na umalis. Tumuloy siya sa bahay ng Tita Merly niya. Kapatid iyon ng kanyang namayapang ama, at nagpapa-upa ito ng mga apartment. Buti ay pinatuloy siya nito at binigyan pa siya ng sariling unit. Alam kasi ng tiyahin niya ang pinagdadaanan ng dalaga sa kanyang ina. Kaya malugod niyang tinulungan ang depressed na pamangkin.

Magmula noon ay hindi na halos tumuntong sa labas ng apartment si Sophia, pwera na lang pag sinasamahan niya si Tita Merly sa grocery, simbahan, o paminsan-minsang pamamasyal sa mall. Nagpakasasa siya sa pagiging tambay sa bahay, at ang kanyang buhay ay umikot sa kain-tulog, manood ng TV, mag-Internet, at magbasa ng mga romance pocketbooks. Tatlong taon na siyang buhay-tambay. At wala siyang paki-alam. Hindi siya naiinggit sa mga high school at college batchmates niya sa Facebook na mga nagtatrabaho na o may sarili nang pamilya. Sila ay umuusad na ang buhay habang siya ay tumatandang paurong.

Manhid na siya para mangarap pang muli. Wala naman kasing mangyayari.


---

"Sophia, anak, habang buhay ka na lang ba ganyan?" Biglang tanong sa kanya ni Tita Merly habang sila ay naghahapunan.

Hindi naka-imik si Sophia. Napayuko siya at tinignan ang kanyang plato na may kanin, daing na bangus, at atchara. Sa unang pagkakataon ay naki-alam na si Tita Merly sa lagay ng kanyang buhay. Tagos ito sa puso niya, na pilit tinutunaw ang pagka-manhid nito.

Short and SweetWhere stories live. Discover now