Broken High Heels

8 2 0
                                    

(Written back in 2014 as a one-shot)


Weirdo. Manang. Loner.

Kung tatanungin mo kung sino si Ronalisa Delos Santos (a.k.a. Rooney), ganito ang isasagot nila sa iyo.

By the way, sarili ko pala ang tinutukoy ko. Ganito na ang pagkakakilala sa akin ng mga college classmates at blockmates ko. Si Rooney na weird, manang kung manamit, at loner na wala halos kaibigan. Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito, eh normal lang naman ako noong high school. May isa o dalawang kaibigan ako noon, at kahit tinutukso paminsan-minsan, kaya ko naman.

Pero dahil nga college na ko at wala na sa tabi ang mga dati kong kaibigan, kailangan kong makipagsapalaran mag-isa. Kaya ayan, naging tampulan ako ng tukso at panlalait.

Siguro dahil adik na adik ako sa Philippine History mula noong high school. Trip ko talaga ang magkulong nang matagal sa library, magbasa ng mga history books, at magpunta sa mga pook na may kinalaman sa kasaysayan. Iba rin ang mga hinahangaan ko. Oo na, crush na. Imbis na mga artista at Kpop boys, sila Macario Sakay at Andres Bonifacio ang mga crushes ko. Ayoko kay Jose Rizal, overrated na nga, babaero pa. Pero okay, matalino siya talaga.

Siguro kaya sila nawe-weirduhan sa akin. Hindi kaila sa mga nakakakilala sa akin na iba ang interests ko.

Noong una, balewala lang sa akin iyon. Pero habang tumatagal, nag-isip-isip na rin ako. Weird ba ako talaga?

Nasagot ang tanong ko nang minsang mag field trip ang klase namin at wala man lang tumabi sa akin sa bus. Maghapon nila akong hindi pinansin at parang hindi nila ako kasama. Pag-uwi ko galing sa masaklap na field trip na iyon, nagkulong ako sa kwarto at nilunod ang aking sarili sa hinagpis kasabay ng pagpatak ng aking mga luha na kanina pa gustong kumawala.

Bukod sa di nila ako pinansin maghapon, nagpaparinig pa sila nang makarating kami sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

"Iwan na natin ang isa nating kasama dito!"

"Bagay naman siya dito kasama ng mga antiques!"

"Oi, hindi siya fangirl ni Aguinaldo!"

At naghalakhakan sila nang malakas. Isang halakhakan na di nawala agad sa isipan ko.

Walang nakakaalam na umiiyak ako sa loob ng kwarto dahil nilakasan ko ang radyo. Na-tyempuhan ko na ang kanta sa radyo nang panahong iyon ay "Roar" ni Katy Perry. Makaluma man ako, pamilyar pa rin sa akin ang mga nauusong kanta sa kasalukuyan (pwera na lang sa Kpop).

"You're gonna hear me roar!"

Isang ideya ang pumasok sa isipan ko. Siguro dapat ko na itong gawin para tumigil na ang panunukso nila sa akin.

---

Ilang beses ko na itong nabasa sa mga pocketbooks at napanood sa mga pelikula. Siguro wala namang mawawala sa akin 'pag ginawa ko ito, di ba?

Unti-unti ko nang binago ang panlabas kong anyo. Sa maikling salita, nag make-over. Walang kaibigang babae ang humatak sa akin para dalhin ako sa parlor o ibili ng mga magagandang damit sa malls. Kusang-loob ko itong ginawa. Kakatanggap ko lang ng birthday money sa mga tito at tita ko, at iyon ang ginamit ko para bumili ng mga bagong damit at sapatos. Divisoria ang pinuntahan ko, at di ko akalain na ang dami palang cute na mga damit doon na mabibili sa murang halaga. Pinili ko yung mga palagi kong nakikitang mga damit sa mga influencers sa Tiktok, yung mga medyo fitted na dress at coordinates na pants or mini skirt. Napabili na rin ako ng isang pares ng cargo pants, isang fitted shirt, at isang sleeveless na crop top. 

Hindi ako makapaghintay na sumapit ang Biyernes, dahil wash day sa school, at iyon ang unang beses na isusuot ko ang mga bagong damit at ibabalandra ang sarili na medyo naka make-up at nagpa-unat ng maiksi kong buhok. Oo nga pala, kay mama ako nagpaturo ng make-up. Medyo napa-double take siya nang bigla ko siyang tinanong kung paano mag make-up, pero ginawa rin niya. "Sa wakas, Ronalisa, naisip mo rin ito. Baka tumanda kang dalaga dahil lagi ka na lang sa library niyo!" tukso niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short and SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon