Poem #11

6 2 1
                                    

Miserable

Miserable ka, kasi nangingialam ka.
Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng oras para bigyang pansin ang buhay niya.
Hindi ka naman niya kapamilya,
At mas lalong hindi kakilala.

Kumbaga, ikaw ang lamok sa malinis niyang bahay.
Wala ka namang dahilan pero roon ka pa rin naka-tambay.
Siguro ay naiinggit ka?
Kasi mayroon siya ng bagay, na wala ka?

Natumbok ko ba?
Hala! Humayo ka at mabuhay nang payapa.
Isipin ang sariling buhay at hindi buhay niya.
Pangako, kapag pinili mong magsumikap para sa 'yo.

Makakamtan mo rin ang ninanais mo.
Lalo na kung wala kang tinatapakan na tao.

In Her Mind, She Cries (Completed)Where stories live. Discover now