Poem #13

6 3 1
                                    

Sisig

Lagi kang pulutan, lalo na sa mga kwentuhan nila.
Naiiyak ako at gusto nang ipagtanggol ka.
Dahil mahal kita,
Kasi kaibigan kita.

Minsan gusto ko na silang sunggaban,
Ayaw kasi kitang makitang nasasaktan,
Pero lagi kang nakailing; ayaw mong may masaktan.
Napakabait ng puso mo, masyadong banal.

Mahal kita,
Lagi mo iyang tatandaan.
Hindi ako makikinig sa mga paratang
Na wala namang katuturan.

May tiwala ako sa 'yo,
Sarili ko.
Habaan mo lang ang pasensya mo.
Malapit mo nang maabot ang mga pangarap mo.

In Her Mind, She Cries (Completed)Where stories live. Discover now