Poem #12

5 2 0
                                    

Sinigang


Ikaw ang sinigang sa buhay niya.
Laging putahe kapag may pera
Laging paborito kahit parehas lang naman ang lasa.
Hindi ka kasi nakakasawa.


Pero ako, parang gulay sa buhay niya.
Maraming benefits at hindi nakakaperwisyo sa kanya.
Ngunit ayaw niya pa ring kainin kahit dinudutdot na sa kanya.
Panigurado, hindi niya ako paborito.


Alam ko.
Tanggap ko.


Saka niya lang siguro ako hahabulin.
Kapag siningil na siya ng panahon.
Kapag hindi na kaya ng kanyang kalamnan.
At kapag malapit siyang kunin ng Tahanan.

In Her Mind, She Cries (Completed)Where stories live. Discover now