Chapter 11

4.9K 374 72
                                    

#OLASweetNemesis

Chapter 11
Rain

Hila-hila na ni Keno ang aking luggage papalabas ng hotel. Mabuti na lang at nakaayos na agad ang mga gamit ko nang umakyat sa kwarto. I didn't bother changing clothes as well dahil magpapalit na rin naman ako pagkauwi sa bahay.

My initial plan was to stay overnight at the hotel dahil sayang din ang na-book kong room kung hindi ko gagamitin hanggang sa oras ng check-out kinabukasan. Kaya nga lang, sa dami ng nangyari ngayong gabi, I didn't feel like it. I was craving the comfort of my own bed and the solace I could only find in my bedroom. I knew better that if I stayed, it wouldn't make me feel better. Parang hindi na rin ako nagpahinga.

"Thanks," tipid na sabi ni Keno sa valet nang iabot sa kanya ang susi ng SUV.

Maayos ang tayo ko at nakahalukipkip habang pinapanood si Keno sa paglagay ng suitcase sa likod gaya kanina. Nang masiguradong maayos ang pagkakalagay, he finally pressed the key fob to unlock the car and opened the front passenger's door for me.

I kept my chin up as I entered the car. Keno initiated helping me with my seatbelt, but I immediately wore it on my own. Isinarado niya rin agad ang pinto nang makitang maayos ang pagkakasuot ko ng seatbelt. However, instead of riding the car, nagtagal pa siya sa labas.

I frowned and leaned forward kung hanggang saan ko kayang hatakin ang seatbelt. He had his back turned on the car while he was on a call. I got slightly annoyed that I couldn't hear what he was saying. I also had no idea who he was talking to, at kung bakit pinaghihintay niya ako.

The phone call lasted for more than a minute. Iritado na akong naghihintay sa kanya. I caught him making a quick glance my way after the call ended. He acted so suspiciously that I became too curious, feeling like he was hiding something from me. Parang hindi ako matatahimik hanggang sa hindi ko nalalaman kung sino ang kausap niya at kung ano ang napag-usapan nila.

Hindi ko dapat papansinin, ngunit wala akong nagawa upang pigilan ang sariling abangan siya sa pagpasok.

"Sorry about that," Keno apologized as soon as he entered the car while loosening his necktie.

Hinarap ko siya nang maayos habang sinusuot ang seatbelt at ina-adjust ang upuan.

"Sino ang kausap mo?" walang patumpik-tumpik kong tanong.

Keno was caught off guard. I noticed how he hesitated to answer my question before he replied, "Your secretary."

Agad naalis ang aking pagdududa. It was replaced with growing irritation and another emotion that I didn't want to name yet. Is that why he was hesitant to answer my question? Dahil si Kyla ang kausap niya?

I can't believe na pinaghintay niya ako para sa kanya. Does she have a special place in his heart now? Is he courting her behind my back? If he is, I don't care if I come off as petty because I could never accept that.

"Ano'ng pinag-usapan ninyo?" sunod kong tanong saka naningkit ang mga mata. "May tinatago ba kayo sa akin?"

"Wala," agad na sagot ni Keno.

"Ano nga'ng pinag-uusapan ninyo kung gano'n? Why are you looking so suspicious?"

"She just called to tell me na sabihan siya kapag naihatid na kita sa bahay. That's all."

"That's all?"

"Yes," he replied. "Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan bukod sa 'yo?"

"Oh, I don't know. Baka may something kayo na hindi ko alam. You know I'm not really old-fashioned, but I don't like the idea of my bodyguard dating my secretary. Work is work. I don't want your personal life or relationship to interfere with your jobs."

Sweet NemesisWhere stories live. Discover now