KABANATA-1

23 2 0
                                    

“Pangit! Pangit! Pangit!” paulit-ulit na kantiyaw ng mga bata kay Asya habang naglalakad ito sa eskinita papuntang eskwela. Hindi naman na bago sa kaniya ang ganoong mga panunukso subalit nasasaktan pa rin siya sa tuwing ginagawa sa kaniya ang ganoon. Para kasi sa kaniya, napakadaling manghusga ng mga tao dahil lang sa wala siya sa pamantayan ng mga ito pagdating sa kagandahan.

Gano'n paman, araw-araw naman na pinaaalalahanan si Asya ng kaniyang ina na si Maila, na ‘wag intindihin ang pamumuna ng mga tao lalo na sa itsura niya. Habang naglalakad ay takip-takip ni Asha ng kaniyang mahabang buhok ang kaniyang mukha. Lahat nang nakasasalubong sa kaniya ay iniiwasan siya.

Ng mga panahong ito ay nasa high school na si Asha. Pangarap niyang maging Doktor balang araw, ang Doktor na nagsasagawa ng pagre-retoke, naisip niya kasi na kapag nasa ganoong larangan na siya ay mas magkakaroon siya ng maraming alam kung paano maging kagaya ng mga pangkaraniwang tao ang itsura niya. Kaya kahit anong panlalait ay hindi niya iniinda.

***
Unang araw ng klase. Pagpasok ni Maila sa kanilang silid aralan ay agad na nagsitahimik at nagsitabi ang mga ka-klase niya, tila ba ay iniiwasan siya ng mga ito na parang may nakakahawang sakit.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang kanilang guro kaya't nagsibalikan ang mga ito sa kanilang mga puwesto.

“Okay class dahil unang araw natin ngayon, magpapakilala kayo muna isat-isa tsaka tayo pumili ng mga officers sa klase natin.”

Isa-isang nagpakilala ang mga ka-klase ni Maila, tahimik lang din siya dahil parang wala talagang may nais na kausapin siya. Tinawag siya ng kaniyang guro at pinatayo para magpakilala. Marahang tumayo ang dalaga at nagpakilala habang ang kaniyang mga ka-klase ay tahimik lamang na nakatingin sa kaniya.

“Ako po si Asha, Asha Santibañez, ” ani ng dalaga habang nakayuko, matapos non ay agad naman itong naupo subalit hindi paman ay pasimpleng hinila ng isang lalaking kamag-aral niya ang kaniyang upuan dahilan para bumagsak si Asha sa sahig at bumangga ang balikat niyang may umbok sa kaniyang upuan. Nagtawanan ang kaniyang mga ka-klase sa halip na tulungan siya.

“Naku baka lalong makuba siya niyan kapag na injured pa ang bukol niya sa balikat, ” ani ng isang babaeng ka-klase rin niya.

“Tahimik!” saway ng kanilang guro. Isang lalaking kamag-aral ang tumulong kay Asha na makatayo at maupo sa kaniyang silya. Bumilis ang tibok ng puso ni Asha dahil sa hiya at inis. Agad na naisip niya na hindi magiging madali ang mga susunod na araw niya dahil sa pangyayaring iyo.

Nagsimula nang pumili na mga officers sa kanilang klase, at bilang pangungutya pa ay binoto ng dalagang kanina ay nanglait kay Asha si Asha para maging muse. Naging malakas ang hiyawan sa loob ng klase lalo pa at agad na isinara ang nominasyon kaya't si Asha ang naging muse nila.

Binoto naman nilang prince charming ang tumulong kay Asha na si Xandro, para naman daw bawi dahil pangit siya at guwapo ang lalaki. Nagalit ang kanilang guro dahil sa sobrang ingay nila kaya't pinatigil na ang eleksiyon. Pigil ang luha ni Asha ng mga sandaling iyon, nasa isip niya na kahit wala siyang gawing hindi maganda sa ibang tao, ay ang kaniyang itsura pa rin ang magiging dahilan nang pangungutya at pang-aapi sa kaniya.

***
Matapos ang kaniyang klase ay tumungo ng simbahan si Asha. Naupo siya sa may gilid at nakatingin sa may altar. Lumuhod siya at napabuntong hininga habang unti-unting dumadaloy ang kaniyang mga luha.

“Para saan po ba at ginawa niyong ganito ang itsura ko? Tulungan niyo po akong maintindihan, kasi po kung puro panlalait lang din naman ang dulot nito sa'kin, puwede niyo naman na sanang hindi pinahintulutan na isilang ako kasi Dios kayo ‘di ba?” umiiyak na turan ni Asha.

“Hindi ka naman pangit ah,” ani ng isang lalaki na pamilyar sa dalaga ang boses. Sa likuran niya nanggagaling ang boses na iyon. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang lalaking ka-klase niya na si Xandro.

“Walang pangit na nilikha ang Dios, tao lang naman ang nagbibigay ng mga ganoong pamantayan, ” ani ng binata habang nakaupo at nakatingin sa may altar.

“Nasasabi mo lang naman ang mga bagay na iyan dahil may itsura ka at normal ka hindi gaya ko na may kapintasan sa sarili, ” ani naman ni Anya.

“Kung ganiyan ka tumingin sa sarili mo, wala ka ring pinagkaiba sa mga nanlalait sa'yo. Ang nakikita lang ng mata ang pinagmamasdan, hindi mismo ang kalooban. Sige mauna na ako at tandaan mo, maganda ka.” ani ng binata bago tumayo at naglakad papunta sa likurang bahagi ng simabahan.

Matapos noon ay umuwi na rin si Asha, naabutan niya roon na nagdadasal ang kaniyang ina sa harap ng mga kakaibang rebulto at mga nakasinding itim na mga kandila sa kanilang silid dasalan. Hindi na muna ito inabala ni Maila, sa halip ay nagtungo siya ng kaniyang silid para makapag bihis. Nang hubarin niya ang kaniyang blusa at tanging panloob na lang ang natira ay hinawi ni Asha ang kaniyang mahabang buhok na halos nakatabon na sa kaniyang mukha.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin, naalala niya ang sinabi ng ka-klase na si Xandro.

“Tandaan mo maganda ka... ” paulit-ulit sa isip ni Asha. Subalit kabaliktaran nang nakikita niya sa harap ng salamin. Sa galit niya'y binasag niya ang salamin at sumigaw habang umiiyak. Agad naman na dumating ang kaniyang ina at naabutan siyang dumudugo ang kaniyang kanang kamay na ginamit niya sa pagbasag ng salamin.

Tiningnan ni Asha ang kaniyang ina na may sama ng loob.

“Bakit mo pa ako binuhay kung alam mong magiging pasanin ko ang pagkakaroon ng ganitong itsura! Napaka makasarili mo nay!” parang tinarakan ng punyal ang puso ni Maila sa sinabi ng anak, sa halip na sagutin ito ay nilapitan niya na lamang ito at niyakap ng mahigpit habang naluluha rin.

“Balang araw Asha, maiintindihan mo rin anak, sa ngayon hindi mo kailangan ang simpatya ng iba patungkol sayong sarili, simulan mo sa paniniwala sa sarili mo ang ibig mong gawin din ng iba para sa'yo, ”ani ni Maila sa kaniyang isipan.

ASHA: ANG HULING ASWANGΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα