Galing sa angkan ng mga aswang si Asha, subalit ang kaniyang ama ay isang mortal. Mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang angkan ang pakikiapid o ang magkaroon ng espesyal na ugnayan sa mga ito, at ito ang hindi nasunod ng kaniyang inang si Maila. Nang malaman ng ama ni Maila na buntis ito ay isinumpa ang sanggol sa kaniyang sinapupunan na magkakaroon ng hindi kaaya-ayang anyo para 'wag mahalintulad sa kaniya, mawawala lamang ang sumpang ito kapag niyakap nito ang pagiging aswang. Kasabay nang paglapat ng sumpa ay ang pagkitil din sa ama ni Asya na si Agustus sa harap mismo ni Maila. Lumipas ang ilang taon, dalaga na si Asha. Kinukutya siya ng mga tao dahil sa pangit na itsura niya at ang pagkakaroon niya ng malaking umbok sa kanang balikat kayat parang nakukuba siya maglakad. Nakilala niya ang binatang si Xandro, ang kauna-unahang tumanggap sa kaniya sa kabila ng naiiba niyang anyo. Mag-iiba ba ang kanilang kuwento? O mauulit sa kanila ang kasaysayan nila Maila at Agustus. Written on: 04/22/24 This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.