KABANATA-4

18 0 0
                                    

Isang malakas na mga kamay ang humawak  sa magkabilaang braso ni Celeste at hinila siya nito mula sa likuran. Halos mabaliw ang dalaga sa matinding nerbyos, napatigil lamang ito nang malamang si Xandro pala ito.

“May halimaw! Hinila niya ako, kinalmot niya ang mukha ko Xandro!” mangiyak-ngiyak na turan ni Celeste habang nanginginig na pinagmamasdan ang kamay na puro dugo dahil sa paghawak sa kaniyang mukha. Isang kaluskos ang narinig nilang dalawa at dooy may lumabas na isang malaking itim na aso.

“Aso lang ‘yan oh, ‘di ka kasi dapat nagpapagabi at naglalakad na mag-isa kapag ganitong oras na.” Iniuwi na ni Xandro si Celeste. Samantala, habang naglalakad paalis ang dalawa ay mataman lamang silang pinagmamasdan sa malayo ni Maila. Nakangisi lamang ito habang tinitingnan sila ng nakakakilabot.

***

“Saan po kayo galing nay?” ani ni Asha nang dumating ang kaniyang ina ng des oras na ng gabi.

Nagulat pa ito nang maabutang gising pa siya. Nasa lamesa pa ito ng kanilang kusina at nag-aaral.

“May dinaanan lang ako, at bakit gising ka pa? Maaga ka pa bukas, hindi maganda sa'yo ang magpuyat,” ani nito at inalis ang itim na balabal na nakatakip sa kaniyang ulo.

“Nag-aaral po at may pagsusulit kasi kami bukas, heto at patapos na rin po. ”

Hindi na nag-usisa pa si Asha, matapos mag-aral ay agad na tumungo na rin ito ng kaniyang silid habang naupo naman sa silya sa may lamesa si Maila.

Bahagyang nakaramdam siya ng pangongonsensiya sa nagawa sa ka-klase ni Asha, subalit bilang ina ay hindi niya magawang palagpasin ang mga nananakit sa anak niya. Biglang bumalik sa nakaraan ang isip ni Maila at naalala ang dating kasintahan na ama ni Asha.

Ipinangako niya rito na po-protektahan niya ang anak sa lahat ng paraang alam niya. Ilang sandali pa ay magkasunod na katok ang narinig niya sa kanilang pinto. Agad naman itong binuksan ni Maila at gulat na gulat siya nang makitang isa ito sa mga kalahi nila na tauhan din ng kaniyang ama.

Humahangos pa ito nang makita ni Maila.

“Maila, kailangan ka ng iyong ama ngayon din. Inatake ang isa nating pugad ng isang antingero. Marami sa mga kasama natin ang nasawi. ”

Mabilis na tumungo si Maila sa tahanan ng kaniyang ama, at naabutan niya ang mga ito na nagpupulong.

“Mabuti naman at dumating ka Maila, akala ko'y darating ka na lang kapag halos wala nang matira sa angkan natin,” ani ng kaniyang amang si Ramon.

Hindi na pinansin pa ni Maila ang sermon ng ama, nagtanong na lamang ito kung sino ang pumaslang sa mga kasama nila.

“Walang nakakikilala sa kaniya, nakatakip lamang ang kaniyang mukha at hindi rin ito nagsasalita, marahil ay sinasadya niya iyon para hindi makilala, ” ani ni Joaquin.

“Isa ka sa mga mahuhusay sa pakikiharap sa mga nasa panig ng kanan Maila, subalit malakas ang kalaban natin, marami siyang alam na pangontra laban sa'tin. Kailangan niya ng makatatapat na hindi pa nagiging ganap na aswang para kalabanin siya. At ang anak mo ang nakikita kong pag-asa natin,”ani ni Joaquin.

“Paano magagawa ni Asha ang sinasabi mo Joaquin, eh hindi nga halos makatayo ng tuwid iyon dahil sa kalagayan niya, ” ani ni Ramon.

“Ang anyo niya ama ang ipanlilinlang natin, subalit hahasain natin siya kung paano lumaban,” ani ni Joaquin.

“Nababaliw ka na ba Joaquin?! Ang bata pa ang anak ko! Bakit hindi na lang kayo ang gumawa niyan? Mga wala ba kayong silbi?!” galit na wika naman ni Maila sa kapatid.

“Husto na Maila, tama ang Kapatid mo at isa pa, ina ka lang ni Asha, ako pa rin ang masusunod. Ako na ang palaging masusunod mula nang magtaksil ka, ” ani Ramon at matalim na tiningnan ang anak. Maiiyak sa galit si Maila at hindi maiwasang salubungin ng tingin ang kaniyang ama. Subalit, wala siyang magagawa, ikapapahamak lamang din nilang mag-ina kung tututol pa siya.

Pero kahit gano'n pa man, hindi niya hahayaang mapahamak ang kaniyang anak.

****
(Sa paaralan ni Asha)

Habang naglalakad mag-isa ay naririnig ni Asha ang bulongan ng mga kamag-aral. Hindi raw makakapasok si Celeste dahil inatake ito ng malaking aso, malaki ang naging sugat sa kaniyang mukha kaya't kailangan na magamot ito.

“Naku, sino na ang representative ng section natin kung wala si Celeste? Eh, kapag bukas wala pa siya wala tayong grado kay Miss Castro.”

Nakita nilang dumaan si Asha, at biglang nakaisip ang mga ito ng ‘di maganda. May pageant sa school nila at kailangan ng representative sa kada section, si Celeste sana iyo subalit walang kasiguraduhan kung makakarating siya kaya't kailangan na may agad na pumalit kaniya.

“Eh ‘di si Asha na lang kunin natin, siya naman ang muse natin eh, ” ani ng isang ka-klase ni Asha.

“Ano?! Nagbibiro ka ba? Pageant ‘yon uy hindi circus kaloka ka!” ani ng mga ito at nagsitawanan. Napayukom ng kamao si Asha habang pinakikinggan ang mga ito, nakakapang-insulto kasi sa parte niya. Papalayo na siya ng biglang pigilan siya ng mga ito at hawakan sa magkabilaang braso.

Tiningnan nila si Asha mula ulo hanggang paa at hindi nila maiwasang pagtawanan ito. Nagpupumiglas ang dalaga para bitiwan nila pero hindi siya pinakawalan ng mga ito.

“Ikaw ang papalit kay Celeste sa pageant, at wala kang karapatang tumanggi!” ani ng isang babaeng ka-klase nila habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Asha at nilalakihan ito ng mata.

“Puwede ba bitiwan niyo ako, hindi niyo ako puwedeng sa isang bagay na ayoko!” giit naman ni Asha.

“Aba, matapang pala ang pangit na ‘to ah! ” ani ng isa at mula nagkantiyawan at nagtawanan sila. Hinila ng isa ang buhok ni Asha.

“Tingnan natin kung sa gagawin namin sa'yo ay tatanggi ka pa!” hinila nila sa likod ng eskwelahan si Asha kung saan naroon ang isang lumang palikuran.

“Ano ba bitiwan niyo ako! Saan niyo ba ako dadalhin?!” ani Asha. Hindi na nakapalag si Asha nang unti-unting alisin ng kaniyang mga ka-klase ang damit niya para kunan siya ng larawan ng walang saplot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ASHA: ANG HULING ASWANGWhere stories live. Discover now